Kabanata 15

428 15 2
                                    

ika-29 ng Agosto

"Anak gising na!" tawag ni Ina habang hinahaplos niya ang aking mukha.

Napamulat naman ako at nagtaka kung bakit ang aga niyang gumising. Nakita ko namang tumayo siya at inayos na niya ang aking vestido de boda (wedding gown)

"Nakakalungkot isipin na ikakasal na ang aking bunso." sabi ni Ina habang may luhang namumuo sa kanyang mga mata.

Ito na. Ito na ang araw na ikakasal ako kay Jose. Kaybilis ng araw at tila wala na talagang makakapigil sa aming kasal.

Ngayon rin ang araw na lulusob ang himagsikan na kinabibilangan ni Diego at ng iba pa upang mawakasan na ang pamumuno ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Sana ay magtagumpay sila sa kanilang hangarin. At kahit hindi ako nagtagumpay ang pag-ibig ko kay Diego lagi pa rin naman siyang mananatili sa puso ko.

"Sigurado ka na ba talaga anak?" pag-aalinlangan na tanong ni Ina.

"Ina kahit ayoko man kaso para sa atin rin naman ito. Kapag nagpakasal ako kay Jose mapag-iingatan ko ang ating pangalan, ang ating dangal." paliwanag ko.

Napabuntong-hinga na lang si Ina at lumapit ako sa aking vestido de boda. Napakaganda nito, si Donya Theodora ang nag-isip ng disenyo nito. Napakaputi nito at tama lang ang haba. May nakaburda dito na mga pulang rosas simula sa may gilid hanggang sa may bewang. Ang sapatos ko naman ay simple lamang at kulay puti din.

Di na talaga mapipigilan, ikakasal na talaga ako.






Suot suot ko na ang vestido de boda at ang sapatos. Nakapusod lang ako ngayon at nilagyan ng bulaklak ang aking ulo na parang sa diwata.

"Anak nais ko sanang isuot sayo itong kwintas na isinuot ko rin nung araw nang kasal namin ng iyong Ama." sabi ni Ina habang isinusuot sa akin ang isang kwintas na ginto at may puso sa gitna.

"Maraming Salamat Ina sa inyong hinandog." sabi ko.

"Anak ilang oras na lang ikakasal ka na, ibig sabihin nun iaalay mo na ang buong oras mo kay Jose at aalagaan mo siya't hindi mo iiwan panghabambuhay. Handa ka na ba?" tanong ni Ina.

Hindi ko talaga kaya na magpakasal kay Jose pero dapat kayanin ko para kay Diego.

"Pinaghandaan ko na po talaga ang posibilidad na iyan." sabi ko.

"Sana natuturuan ang puso, anak." sabi ni Ina.

Sana natuturuan ang puso.

Bigla akong napabuntong-hininga nang sabihin yun ni Ina at parang may kumurot sa aking puso.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"Alam kong hindi matuturuan ang iyong puso na mahalin mo si Jose kasi kailanman hindi mo makakalimutan ang pag-ibig ni Diego. Pabalik-baliktarin mo man ang mundo, ang unang pag-ibig pa rin ang mananaig." sabi ni Ina.

Tama si Ina, hindi ko malilimutan si Diego. Kahit ako'y magpapakasal na sa ibang lalaki, naiwan pa rin ang puso ko kay Diego.

Nakabihis na rin ngayon si Ina at si Ama. Nauna na sa simbahan si Kuya Carlos kasama si Marieta.

"Tara na anak, hinihintay ka na ng kalesa na maghahatid sa atin sa simbahan." malungkot na ani ni Ama.

Maging sila ay malungkot ngayon dahil ikakasal na ako sa taong walang kasiguraduhan kung mamahalin rin ba ako o iingatan na katulad ng ginagawa sa akin ni Diego.

Andito na kami ngayon sa labas ng aming bahay at nakasakay na kami ngayon sa kalesang puro makukulay na bulaklak ang nakadisenyo.

Tahimik lang kami nina Ama habang patungo sa simbahan.


Reunited Worlds (Completed)Where stories live. Discover now