Kabanata 32

274 10 0
                                    

Rose's POV

Pinilit ako ni Daniel na pumasok dito sa Museo ala Rivera. Wala akong magagawa kasi gustong-gusto talaga niya. Pero sabi ko sakanya nakapunta na ako dito pero pinilit pa rin niya ako.

Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaibang pakiramdam simula nung dumating kami dito sa Bayan ng Camiling, pakiramdam ko matagal na akong nakarating dito. Yung tipong kabisado ko na yung bawat daan.

Mas lalo akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam nung pumunta kami ni Daniel sa simbahan. Parang nakarating na ako dun pero di kami dun pumunta nung nag-fieldtrip kami. Hinding-hindi ako nakapunta doon.

Ngayon ay nasa Bahay na kami ng mga Rivera. Ang pagkakaalam ko at natandaan ko na sinabi sa amin nung teacher namin dati. Ang mga Rivera ay maimpluwensiyang pamilya dito. Sila ay mayroong malawak na palayan na may maraming trabahador.

Hinawakan ni Daniel kamay ko pag pasok namin kasi ramdam niya na kinakabahan ako. Walang tao ngayon dito pero bukas ang pinto. Madalang na nga daw na tao ang pumupunta dito.

"Goodafternoon Guest!" bati samin ng masiglang babae. Nagkatinginan kami at nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya. Parang kilala ko siya? Sister Ems ikaw ba yan?

"Sister Ems?!" sabay namang tugon ni Daniel.

"Oo ako nga yun, ikinagagalak ko ang pagbabalik ninyo sa bahay mo Binibining Rosalinda!" sabi niya sabay turo sakin. Ha? Paano niya nakilala si Binibining Rosalinda? Yun yung nasa panaginip ko.

"Sister Ems ngayon lang po ako nakarating dito pero po si Rose po, nagfield trip daw sila dati dito." paliwanag ni Daniel. Pero napailing lang si Sister Ems.

"Hindi niyo pa nga alam." sabi niya.

"Ano pong hindi pa po namin alam?" tanong ko. Naguguluhan na ako para bang may gusto siyang iparating sa amin.

"Halika't sumunod kayo sa akin." sabi niya. Wala kaming nagawa ni Daniel kundi sumunod parang nag-transform si Sister Ems sa ibang pagkatao. Ibang-iba siya nung nakita ko dati.

"Sister Ems sino po ba talaga kayo?" tanong ni Daniel. Siniko ko naman siya kasi kung ano-ano ang lumalabas sa bunganga niya napa-peace sign naman siya.

"Ang totoo kong pangalan ay Esmerlita Rivera." bigla akong kinabahan nung binanggit niya yung apelyido niya. May kung anong tumusok sa isipan ko.

All of a sudden bigla akong nahilo. At may naalala ako. Napakapit naman ako kay Daniel at naalala ko sila, yung mga nakapaligid sa babaeng lagi kong nakikita sa panaginip ko.

Si Don Antonio Rivera...

Si Donya Rosario Rivera...

Si Heneral Carlos Rivera...

at si Marieta...

Sino ba sila? Bakit kilala ko sila? Ano bang nangyayari? Sa panahong ito gusto kong untugin ang ulo ko sa pader. Di ko alam kung anong nangyayari sakin.

"Binibining Rosalinda oh, tubig." sabi ni Sister Ems.

"Di po ako si Rosalinda, Rose po pangalan ko." sabi ko sabay inom.

"Hija, marahil maguguluhan ka sa sasabihin ko pero may ipapakita ako sayo." sabi niya. Sandali siyang umalis at pagkabalik niya may dala siyang painting. Isang painting ng isang pamilya at sila yung nakita ko sa panaginip ko. Sila nga yun. Tapos sa baba nun may nakasulat na La Familia de Rivera mga salitang tumatak sa puso't isipan ko.

"Rose kamukha mo yung babae sa gilid." sabi ni Daniel sabay turo sa babaeng katabi ni Donya Rosario. Ha? Paanong? Bakit kamukha ko nga siya? Tumaas ang mga balahibo ko nang makita ko ang painting na yun.

Reunited Worlds (Completed)Where stories live. Discover now