Kabanata 26

342 13 1
                                    

"Rose gising." pagmulat ng mga mata ko akala ko nasa bahay ako pero andito pa rin pala ako sa condo ni Master.

Nakita ko siyang nasa kusina, bakit andun yun? Magaling na ba siya?

"Umupo ka na diyan Rosing." sabi niya. Paano niya nalaman palayaw ko? Bigla naman siya napatawa sa reaction ko. Magaling na nga siya -,-

"Sinabi sakin ni Lorna." kahit kailan talaga ang daldal nun, patay siya sakin.

"Kain ka na." sabi niya. What to expect? Syempre noodles ang ipapakain niya haha

"Di na Master, siguradong hinahanap na ako ng pamilya ko. Mauna na ako." sabi ko. Paalis na sana ako kaso pinigilan ako niya.

"Ako na ang bahala mag-explain sakanila. Kumain ka na muna, pa-thank you ko man lang sayo kasi pinagaling mo ako at hindi mo ako iniwan." sabi niya. Makakatanggi ba naman ako?

Pagkatapos namin kumain, nagbihis lang siya saglit at pumunta na kami sa labas.

...

Andito na kami sa bahay. Nakita ko naman na nasa labas si John. Omg! Ano na lang ang sasabihin niya? Paktay...

Agad bumaba si Master. Why? huhu. Tapos inalalayan niya ako. Hala, sinasabi ko na nga nakatingin si John. Mas lalo akong kinabahan nang lumapit siya sa amin ng walang expresyon ang mukha.

"Rose? Saan ka galing? Alam mo ba nag-aalala kami ni Tita sayo. Dapat ihahatid kita kahapon pero hinanap kita, wala ka at bakit mo kasama si Daniel? Magkasama ba kayo buong gabi?" tanong ni John. Di ko naman siya masisisi kung magalit siya.

"Ano kasi~" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi biglang pumagitna si Master Daniel.

"Inalagaan niya ako kasi nagkasakit ako." sabi niya. Aish napaka-honest naman ng batang ito, iisip pa sana ako ng palusot pero wala na, bulgar na.

"Bakit siya pa?" tanong ni John. Nararamdaman ko na ang tensyon sa dalawang ito. What will I do?

"Because I want to. Teka nga, ano ka ba niya hah?" tanong ni Master kay John. Jusko mas lumalala na yata.

"Kasi manliligaw niya ako. Any problem with that?!" inis na tanong ni John.

"Oh I see, paano ba yan. May the best man win." sabi niya tapos nag-offer pa siya ng pakikipag-shakehands pero di tinanggap ni John.

Wait teka nga, anong ibig sabihin niyang May the best man win? Don't tell me na...

"Yes, you heard it right, Rose. Simula ngayon nililigawan na kita and I will make sure na mapapasakin ka. Okay?" nanigas na lang ang buong katawan ko at literal na napanganga ako sa sinabi ni Master. Legit ba talaga lahat ng narinig ko?

"Paano mo naman nasabi na mapapasayo si Rose?"  sabi niya sabay smirk. Agad naman siyang nilapitan ni Daniel.

"Bro, alam mo naman siguro yung nangyari noon. Nung mga bata tayo." asar ni Daniel. Ha? Ano naman kaya ang nangyari noon sakanila?

"Naka-tyamba ka lang nun pero ngayon sisiguraduhin ko na mapapasakin si Rose." sabi ni John tapos hinila niya ako papalapit sakanya.

"Psh, wala kang karapatang solohin siya." sabi ni Master Daniel sabay hila sa akin papunta naman sakanya.

"Teka nga! Nahihilo na ako sainyo! At ikaw Master, nahihibang ka na ba? Ano yung pinagsasabi mong nililigawan mo ako?" pumagitna ulit ako sakanila baka mamaya magsuntukan na ang dalawang ito.

"Yes, aking binibini. Seryoso ako, seryosong-seryoso sayo." sabi niya sabay kindat. Kinikilig ako deep inside pero syempre naman di ko dapat ipakita sakanila lalo na kay John kasi baka magselos siya.

Reunited Worlds (Completed)Where stories live. Discover now