Kabanata 38

299 6 1
                                    

Rose's POV

Chineck ko yung phone ko, 10:30 na? Seriously? Ganun ako katagal matulog magtatanghalian na eh. Well, buti day off ko ngayon kaya keribels lang. Chineck ko ulit yung phone ko at may 100 messages at 30 missed calls si Daniel. Aish patay ako dun, tinawagan ko siya agad at agad naman niya sinagot.

"Hello Mon Amour? I'm sorry ngayon lang ako nagising." explain ko.

[No it's fine. Nag-alala lang ako sayo. So nakatulog ka naman ng maayos?]

"Yes."

[Good. Reserve mo yung energy mo para mamaya. Susunduin kita. May pupuntahan tayo okay?]

"Saan?"

[Well, I don't know pa. Pero gusto ko makasama ka buong araw.]

"Aww sige I like your idea. Oh sige na balik ka na sa trabaho mo baka nakakaistorba na ako."

[Nope. Di ka istorbo sa akin. Ikaw lang ang importante sa akin.]

"Sige na Mr. Daniel Andrada. Balik ka na sa work mo. Bye! I love you" namula bigla ang pisngi ko sa pinagsasabi ko. Ang saya ko ngayong araw kasi napatunayan ko na si Daniel talaga yung mahal ko at siya ang nararapat sa akin.

[Wait for me diyan ah. I love you too my baby.]

Tapos in-end call ko na. Pagkagising ko wala na sina Nanay, Tatay at Mikael. Siguro si Tatay nagpapasada na at ngayon pupuntahan ko sina Nanay sa Flower Shop sigurong andun yung dalawa.

Naligo ako ng mabilisan at inayos ang sarili ko.

Bago ako umalis pinakain ko muna si cheesecake. Halatang spoiled na spoiled si cheesecake ang chubby na niya eh. Pagkatapos nun lumabas na ako at saka nag-unat. 

"Goodmorning WORLD!" sigaw ko ng malakas.

Naglalakad lang ako ngayon. Di ko maalis sa mga labi ko ang ngiti. Kinikilig ako na masaya, iba talaga ang epekto sa akin ni Daniel. Di pa rin talaga ako makapaniwala na kami na. Kami na ng lalaking una kong minahal.

"Goodmorning Nanay at Mikael!" bati ko sakanila pagkadating ko sa flowershop. Napatingin naman sila sa akin ng may halong pagtataka.

"Aba maganda ata ang gising ng anak ko ah." sabi ni Nanay habang inaayos yung mga bulaklak na ilalagay niya sa unahan para maibenta.

"Syempre Nay sila na ni Kuya Daniel eh." sabi ni Mikael. Ha? Paano nila nalaman. Ang natatandaan ko kagabi pagkatapos akong hatidin ni Daniel tulog na silang lahat, muntikan pa nga ako hindi makapasok sa loob dahil sarado na yung pinto buti may duplicate akong susi.

"Paano niyo po nalaman?" 

"Syempre alam namin plano ni Daniel, Ate. Kinausap kami ni Kuya Daniel tinanong pa nga niya kay Nanay at Tatay kung pwede ka na ba daw magkaboyfriend ulit. Tapos tinanong rin niya ako syempre Oo sinagot ko kasi sa una palang siya na talaga gusto ko para sayo Ate at wala nang iba pa." sabi ni Mikael. Ginusot ko yung buhok ni Mikael ganun ako maglambing, nairita naman siya sa ginawa ko. 14 years old na si Mikael pero turing ko pa rin sakanya ay Baby haha

"Masaya ako para sayo, Anak. Sa wakas nahanap mo na rin yung lalaking alam ko na di ka kayang saktan at iwan. Alam kong magiging maganda ang buhay mo sa kanya." sabi ni Nanay tapos lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Yun oh, kailan kaya ang kasal? Basta sasabihin ko kay Kuya Daniel na ako ang bestman." sabi niya sabay kindat. Napahawak naman ako sa noo ko at napailing. At the same time namula rin ako. 

"K-Kasal?" nabigla kong tanong.

"Anak alam mo, pwedeng pwede ka nang ikasal kasi nasa tama ka nang edad. Tsaka may tiwala naman ako kay Daniel." mas lalong pumula yung pisngi ko sa sinabi ni Nanay. Talagang botong-boto siya ah.

Reunited Worlds (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora