Kabanata 29

269 11 1
                                    

Daniel's POV

Andito lang ako sa kama ko, nakahiga. Di ko feel na pumasok ngayon. Shet napapaiyak na lang ako, di ko mapigilan.

Nasaktan ko si Rose. Sinubukan ko siyang habulin pero di niya ako nililingon.

All of a sudden biglang tumunog yung phone ko.

(Paula is calling....)

"Ano ba problema mo?!" kanina pa siya tawag ng tawag. Pasalamat ka may respeto pa ako kahit papaano sayo.

[Wala bang goodmorning diyan babe?]

"Psh don't call me babe!"

[Why diba ikaw yung fiancé ko? So may karapatan ako na tawagin kang babe!]

"Look, di kita fiancé at di kita kailanman papakasalan!"

[Fine. Sasabihin ko ito kay Tito Danilo]

Tapos in-end call ko na, sinong tinakot mo? Di niyo ako masisisi kung bakit galit ako sa babae na yun. Dahil sakanya kung bakit nasaktan si Rose. Bakit niya ginawa yun? Bakit niya ako hinalikan? Aish napapamura na lang ako sa galit.

Wala akong pake kung isumbong niya ako kay Dad, kaya lang naman ako pumayag na magpakasal sakanya kasi gusto ni Dad, ayaw ko madissapoint siya sakin kasi lahat ng ginagawa ko ay para kay Dad gusto ko maging proud siya sakin pero ngayon na nasaktan ko si Rose dahil dun, Wala na akong pake kung anong sasabihin ni Dad. Ipaglalaban ko yung totoo kong mahal at si Rose yun.

Tama, kailangan kong pumasok ngayon. Kailangan kong makausap si Rose, kailangan kong ayusin kung ano yung meron sa amin.

Agad-agad ako naligo at nagbihis. Di ko na tinawag si Mang Tonyo kasi kailangan kong magmadali papunta sa office.

Pagpark ko nakita ko na kaagad si Rose. Anong ginagawa niya dito sa parking lot? Bumaba ako at pumunta sa may likod niya.

"Rose." tawag ko at pagharap niya sakin ay nanlaki ang mga mata niya.

"Rose sorry." sabi ko.

"Hindi okay lang." cold niyang sagot. Bakit ganun siya makitungo? Bakit di siya makatingin sa mga mata ko? Bakit parang may iba?

Paalis na sana siya kaso pinigilan ko at inilapit ko siya sakin at saka niyapos ko.

"Rose I'm Sorry. Yung nakita mo, wala yun. Kahit ako nagulat ako sa ginawa ni Paula. Wag mo sanang isipin na hindi kita mahal. Kasi mahal na mahal kita, Rose. Please Rose forgive me." pagmamakaawa ko, di ko mapigilan na umiyak. Agad siyang pumiglas sa pagkakayakap ko.

"Please lang, wag mo nang dagdagan yung kasalanan mo." tapos aalis nanaman sana siya kaso pinigilan ko ulit. Shet this time pag harap niya sakin umiiyak na rin siya. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ko sinaktan si Rose ng ganito.

"Rose sorry, I love you at gagawin ko ang lahat para maibalik mo ulit yung nawalang tiwala mo sa akin. Sorry Rose, sorry."

"Stay away from my girlfriend." nagulat na lang ako nang may humila kay Rose at nabitawan ko yung mga kamay niya....si John.

"Girlfriend?!" sana panaginip na lang ang lahat ng ito. Ang sakit, sobrang sakit. Naiinis ako sa sarili ko. Na-grab ko na yung chance pero nawala pa.

"Oo, she's my girlfriend." tapos nagholding hands sila sa harapan ko. Napatitig na lang ako sa mga kamay nila. Tiningnan ko si Rose at umiiyak pa rin siya.

"Congrats pare. I'm happy for the two of you." napangiti na lang ako at umalis. Pumunta kaagad ako sa office ko at ini-lock ito.

~You said goodbye, and broke my heart
Now I'm picking up the pieces and get it off of my mistakes

Reunited Worlds (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz