Kabanata 5

526 17 0
                                    

"Ako'y kabilang sa mga.....REBELDE!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama nga ang sabi ni ama. May mga rebelde kaming tauhan.

Pero anong gagawin ko? Isusumbong ka ba? Pero alam ko mabait sila? Naguguluhan na ako!

"Alam ko naguguluhan ka na! Pero ipinapangako namin na ililigtas namin ang pamilya mo at hindi namin kayo sasaktan! Kasi alam namin na mabubuting tao kayo. Pero mag-ingat parin kayo kasi ang ibang tao dito hindi sumang-ayon na wag idamay kayo!" paliwanag niya.

Nagtitiwala ako kay Diego, alam kong may mabuting loob siya.

"Uhmm Diego, naniniwala ako sayo at sana'y tuparin mo ang sinasabi mo!" sabi ko.

"Maasahan mo binibini at bilang kapalit nang pagtitiwala mo sa akin nais ko sanang sabihin sa iyo kung ano yung samahan na aking sinalihan at sana'y huwag mong ipagsasabi sa iba dahil kapag nalaman nila kung sino ang nagsabi nito at tumiwalag sa grupo ay buhay ang kapalit!" sabi niya.

Kampante na ako na mapapagkatiwalaan siya. Tapos habang nakaupo kaming dalawa kwinento niya sa akin kung paano siya nakasali sa samahang ito.

"Ang samahang ito ay itinatag ng Supremo ng Katipunan si Andres Bonifacio. Itinatag ito noong Hulyo 7, 1892 at ang adhikain nito ay upang mamulat ang mga Pilipino na ipaglaban ang Pilipinas at magkaroon ng isang patas na lipunan! Ang samahang ito ay ang KKK! At hindi madali ang maging kasapi ng samahang ito!" sabi niya.

Ang KKK o Kataastaasang, Kagalanggalang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan o katipunan ay itinatag upang iligtas si Jose Rizal mula sa kamatayan. Kaya't ang mga ilang kasapi ng La Liga Filipina (samahan na itinatag ni Jose Rizal upang maging malaya ang Pilipinas mula sa mga Espanyol sa mapayapang paraan) ay nagtitipon sa Calle Azcaragga (ngayon ay Daanang Claro M. Recto) upang itaguyod ang samahan na ito sa paggamit ng dahas at madugong rebolusyon.

Mahigit sa 40,000 ang kasapi ng samahang ito. At hindi lang sa Maynila ang lahat ng mga rebolusyonaryo pati sa Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan at iba pa ay napalaganap ang samahang ito.

Tapos tumayo siya at may kinuha na isang itim na tela na may nakasulat na Z, Ll at B.

"May tatlong antas ang Katipunan, ang katipun kung saan kami kabilang, ang kawal at ang Bayani! Ang ibig sabihin ng mga letrang nakalimbag sa itim na telang ito ay nangangahulugang Anak ng Bayan!" paliwanag niya.

"Naalala mo ba kagabi? Nang magpaalam ako sayo na may dadaluhan akong pagpupulong? Dun ako pumunta sa Balintawak (ngayon ay nasa Lungsod ng Quezon) ipinatawag kaming lahat ng Supremo dahil nasiwalat na ang aming samahan kaya't nagplano na kami ng paglusob! At sa araw na iyon dalhin mo ang pamilya mo sa Promesa Arbol dahil nagplano na kami kung saan kayo dadalhin para mailigtas kayo!" sabi niya.

Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Talagang pababagsakin na nila ang mga Espanyol.

"Kailan kayo lulusob?" tanong ko.

"Sa ika-29 ng Agosto!" sabi niya.

ika-13 na ngayon ng Agosto at di ko alam pero ang bilis ng pangyayari.

"Hindi na ba magbabago ang isip ng supremo niyo?" tanong ko.

"Hindi na, dahil matapos mabunyag ang katipunan sa pamahalaang Kastila ay gaya nga ng sabi ko sayo ay ipinulong kami ng supremo at sabay-sabay naming pinunit ang cedula hudyat ito na simula na ang Rebolusyon!" sabi niya.

Napalunok naman ako sa sinabi niya.

"Huwag ka mag-alala binibini gaya nga ng sabi ko sayo, hindi ko hahayaang masaktan ka at ang pamilya mo!" sabi niya.

Reunited Worlds (Completed)Where stories live. Discover now