Kabanata 23

324 12 0
                                    

Si JOSE?! Siya yung nasa panaginip ko.

"Bro? John?" nanlaki ang mga mata ni Sir nang makita yung kamukha nung lalaki sa panaginip ko. Pero hindi siya si Jose, J-John pangalan niya.

"Kailan ka pa nakabalik?" tanong ni Sir. Napangiti naman yung John at ngayo'y nakatindig ako sa may tabi ni Sir habang nakayuko.

"Kanina lang, well dahil mahal kita bro kaya agad kong pinaalam sayo." sabi niya sabay tawa.

"Ano ka ba John baka kung anong isipin ng kasama ko." sabi ni Sir Daniel. Nanlaki naman ang mata ko nang masali ako sa usapan mo.

"Nga pala, sino siya bro?" tanong nung John. Omg! Ang gwapo pala niya tapos nakatingin pa siya sa akin ngayon, nikikilig tuloy ako hihi

"Uhmm she's Rose, my secretary. And Rose he's~" hindi na natapos ni Sir yung sasabihin niya kasi agad nagsalita si John.

"Hi Ms. Rose, I'm John Aceveda. Nice to meet you, my lady." sabi ni John sabay nagshake-hands kami. My Lady?! Nanlaki na naman ang mga mata ko sa pinagsasabi niya. Magiging owl na ako nito mamaya.

"Ano ba bro, di ka pa rin nagbabago!" sabi ni Sir Daniel sabay siko kay John.

"Bro, di naman masama maging friendly." giit ni John.

Napa-Hays na lang si Sir.

"Well, may inihanda akong tanghalian since 12:00 na." sabi ni John. Tapos umupo na si Sir Daniel at uupo na sana ako kaso inalalayan pa ako ni SIR John. Bakit hindi ako nagsi-Sir? hihi

"Thank You po." sabi ko. Tapos napa-smile naman siya at umupo na rin. Ang cute lang niya. Then may tatlong katulong ang lumabas dala-dala ang mga pagkain with dessert pa.

Kumuha lang ng vegetable salad si Sir Daniel tapos ganun rin si Sir John. Masyado naman silang vegetarian. Well may beef steak dun at rice pero nakakahiya sa dalawang kasama ko na kumakain ng vegetable salad.

"O, bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ni Sir Daniel.

"Don't you like the food? Promise masarap yan, try this vegetable salad." sabi ni Sir John. Tapos nilagyan niya yung plate ko ng vegetable salad. Di pa naman ako mahilig sa gulay lalo na ito hilaw hays.

Tumikim ako kasi kanina pa sila nakatingin sa akin kung ano ang reaction ko sa kinakain ko. Pero act natural lang kahit gusto ko ng idura at isuka yung kinain ko.

"Masarap ba?" tanong ni Sir John.

"O-Opo." sagot ko. Napatingin naman ako kay Sir Daniel na pinipigilan ang tawa niya. Nakakainis ang lalaking ito.

"So Ms. Rose, what's your surname pala?" why so conyo Sir John HAHA

"Uhmm Garcia po." sabi ko.

"Garcia? Mas bagay ang Aceveda." sabi ni Sir John. Agad ko naman ininom yung juice na nasa unahan ko ngayon. Nilaklak ko ng walang tigil-tigil. Sino ba naman hindi magre-react sa sinabi ni Sir John.

"Joke lang HAHA" sabi niya. Tapos napatingin ako kay Sir Daniel at yung kaninang mukha niya na tawang-tawa ngayon ay nakakunot na ang noo.

"So bakit ka bumalik dito?" pag-iiba ng tanong ni Sir Daniel. Sir nagseselos ka ba? HAHA

"Bro kasi nga namiss kita." sagot ni Sir John. Napatawa naman ako sa sagot ni Sir John. Mas lalong napakunot ng noo si Sir Daniel. All of a sudden biglang tumunog yung phone ni Sir.

"Wait I need to get this." sabi ni Sir Daniel. Tapos umalis na muna siya.

"So solo na kita. Nga pala, matagal ka na bang nagtatrabaho kay Daniel?" tanong ni Sir John.

Reunited Worlds (Completed)Where stories live. Discover now