Kabanata 25

346 13 0
                                    

Good Morning World! Bigla akong napabangon at nagulat ako kasi madaling araw palang.

"Anak bakit ang aga mo magising?" tanong ni Nanay na ngayo'y nagluluto pa lang ng almusal namin.

Iba yata timpla ko ngayon ah. Di ko rin alam eh.

"Wala lang po." sagot ko sabay ngiti. Naligo muna ako kasi di pa tapos magluto si Nanay ng almusal.

Pagkatapos ko maligo at magbihis. Nakita ko si Mikael na kinuha yung cellphone ko.

"Mikael?!" sigaw ko. Muntikan naman niya mabitawan yung phone ko dahil sa gulat.

"Ano ba ate? Tinitingnan ko lang kung sino yung nagtext." pagsusungit niya. Aba iba rin itong kapatid kong ito. Agad ko naman binawi sakanya yung phone ko at tiningnan kung sino ang nagtext.

Number lang.

From: +63928123589

Good morning my princess :) I'm here outside. Sabay tayong pumunta sa work.

Wrong send ba ito or what? At tinawag pa akong princess niya? Agad ako lumabas para tingnan kung may lalaki ngang naghihintay sa labas.

Meron nga. Isang lalaki na nakatalikod. Sino siya?

"Good morning my princess." sabi niya.

"Sir J-John?" anong ginagawa niya rito?

"Yes that's me haha. Pero bakit SIR na naman hays" sabi niya tapos may kinuha siya sa likod ng sasakyan niya.

"Flowers for you my princess." sabay abot sakin. Woah para sakin talaga?

"My princess talaga? Salamat pala Sir este John." sabi ko.

"Yeah you're my princess and I'm your prince." sabi niya sabay kindat. "By the way, simula ngayon, araw-araw na kitang susunduin at ihahatid na rin. Okay?"

"John, nakakahiya. Di mo naman kailangan gawin ito." alam ko nanliligaw siya pero di naman niya kailangan ibuhos ang buong time niya sakin.

"No, I insist. Masaya ako na ginagawa ito sa taong mahal ko. Kaya hayaan mo lang ako Rose." sabi niya.

"Sige ikaw bahala. Nakapag-breakfast ka na ba?" tanong ko. Napa-iling naman siya.

"Pumasok ka muna. Nagluto si Nanay ng tapsilog, kumakain ka ba nun?" kasi naman diba mayaman siya baka ang mga kinakain niya ay bacon, ham or pancake.

"That's my favorite!" sabi niya sabay punta sa loob ng bahay namin na excited. Naunahan pa ako ng lalaking iyon.

After all, na-realize ko na may Boyfriend Material rin naman pala itong si John, gwapo, mabait, gentleman at sure ako na pwede siyang sumabay sa mga kalokohan mo. Pero kailangan ko pa siyang i-test I mean oo gusto ko na siya pero di ko pa masasabi na mahal ko siya. Isa pang nagpapagulo ng isip ko si Sir Daniel.

"My Princess anong ginagawa mo pa diyan sa labas? Tara na dito, kain na tayo." sabi niya. Bigla naman akong natauhan sa mga iniisip ko. Napangiti na lang ako sakanya at pumasok na rin sa loob.

Favorite talaga niya ang tapsilog ah.

"Hijo, gusto mo pa ba?" tanong ni Nanay kay John na simot-sarap yung nasa plato niya.

"Pwede po ba?" tanong niya. Napatawa naman kami ni Nanay pero napansin ko si Mikael na seryoso lang kumakain, anong problema ng batang ito?

"Sige hijo, pwedeng-pwede." sabi ni Nanay. Tuwang-tuwa naman si John.

Pagkatapos kumain nagpaalam na kami kay Nanay. Pinagbuksan ako ni John ng pinto ng kotse niya at sumakay na ako.

Pinaandar na niya ang sasakyan at binuksan niya yung radyo. Pinapatugtog ngayon ang Someday We'll Know.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon