Kabanata 37

285 11 1
                                    

Daniel's POV

Ngayon na lalabas sa hospital si Rose. Andito na rin sina Tito at Tita para sunduin kami. Kahit anong pilit namin na manatili si Rose dito kahit dalawang araw pa ay nagagalit siya kasi ayaw daw niya sa hospital.

Kagabi magdamag kaming gising, nagkwentuhan kami ng mga bagay-bagay.

"Hi Mon Amour. Are you ready to go home?" pang-aasar ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin whahaha ang cute.

"Anong Mon Amour ka diyan!"

"Well, di ako nagpauso niyan. Kung tutuusin ikaw kaya ang nagpauso niyan." sabi ko. Naasar na naman siya sa sinabi ko at napangisi na lang ako.

Inalalayan ko siyang sumakay sa jeep nila. Sabi ko sa kotse ko na lang kaso tumanggi siya. Aish pero okay na rin yun para hindi ko masabi sakanya yung surprise ko mamaya.

Pagkaalis ng jeep nina Rose. Pina-start ko na rin yung kotse ko. Pinalayo ko muna sila bago ako umalis. Ang sabi ko kasi kay Rose susunod ako sakanila pero may kailangan lang akong daanan na hindi niya pwedeng malaman. Pero susunod rin naman ako.

Andito na ako sa may flower shop. Hindi ako bumili sa shop nina Rose kasi alam ko naman na di ako maasikaso ni Tita dahil abala pa rin siya kay Rose.

"Ate pa-reserve po ng 100 roses at isang bouquet."

"Sir? 100 Roses? Woah ang swerte naman ng nililigawan mo sir." sabi ni Ate habang nililista yung order ko.

"Actually ako yung maswerte sakanya." sabi ko. Halatang kilig na kilig naman si Ate.

"Sana lahat." sabi ni Ate. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

Ilang oras lang ay iniligay ko na yun sa likod ng kotse ko. Agad ko hinarurot yung kotse ko para di magtaka si Rose kung saan ako galing.

Pagkadating ko sa bahay nila nakita ko si Rose na nasa may pintuan. Agad niya akong sinalubong ng mga......sermon.

"Saan ka pumunta? Diba sabi ko sumunod ka sa amin!"

"Aish Mon Amour, sumunod kaya ako. Pero bigla akong nasiraan at pinaayos ko pa sa talyer. Kaya late ako nakarating dito." sabi ko. Mukha naman siyanh naniwala, buti naman whoosh

Pumasok na ako sa loob at sinalubong kaagad ko ni cheesecake.

"Hello our princess cheesecake!" bati ko. Tapos binuhat ko si cheesecake at dinilaan mukha ko, ganun niya ba ako kamiss?

"Hijo, kain ka muna dito." sabi ni Tita.

"Hindi po okay lang po, aalis na rin po ako. Chineck ko lang po kayo at si Rose kung okay lang kayo. Maraming Salamat po." sabi ko. Nakita ko naman si Rose na nakakunot ang noo sa akin.

Tapos umalis na ako, pasakay na sana ako sa kotse ko kaso biglang may tumawag sa akin si Mang Tonyo.

"Sir all set na po!" sabi ni Mang Tonyo.

"Sige po salamat!" sana maging masaya siya sa gagawin ko mamaya.

Rose's POV

"Cheesecake sa tingin mo, bakit umalis kaagad Daddy mo? Ewan ko ba pero parang may tinatago siya sakin." napa-arf arf naman si Cheesecake. Hindi ko alam kung Oo yung sinagot niya o Hindi pero halata talaga na may tinatago yung lalaking yun.

"Anak andito si Lorna!" tawag ni Nanay. Agad ako lumabas ng kwarto at tuwang-tuwa si Lorna na lumapit sa akin saka ako niyapos.

"Beshieee!"

"Oh anong meron bakit ka andito?" tanong ko. Umupo naman kami sa salas.

"Bes diba matagal na rin tayong hindi nakakapag-bonding pwede mo ba akong samahan pleaseeeeee." sabi na nga ba eh may kailangan itong babaita na ito.

Reunited Worlds (Completed)Where stories live. Discover now