Kabanata 17

456 13 0
                                    

Yung totoo ako lang siguro yung kaisa-isahang tao na pagkatapos mag-graduate ay kinabukasan magtatrabaho na pero I believe na Pag gusto, may paraan! Gusto kong maging maayos ang buhay namin, yung hindi na magtatrabaho sa Tatay at mabibilhan ko na sila ng mansion tapos kotse na rin pero bago lahat yun syempre kailangan kong paghirapan ang lahat ng bagay.

Andito ako ngayon sa computer shop inaayos ko yung resume at application letter ko.

"Kuya pa-extend ulit!" sabi ko. Wala kasi akong maisip na ilalagay sa Resume.

Di ako maka-concentrate. Gosh ang ingay dito sa computer shop kasi naman andaming mga lalaki dito na nasa mga 15 pataas na naglalaro ng DOTA -,- Why so ingay naman nila? Hindi ba pwedeng maglaro ng DOTA nang hindi sumisigaw?!

"Cancer!" sabi nung katabi ko na biglang sumigaw.

"Noob!" sigaw naman nung nasa may likod ko.

Gosh naman ang ingay.

After 123456 hours......

Napa-print ko na yung resume at application letter ko tapos bumili na rin ako ng brown folder at inilagay ang doon ang application letter tapos yung resume.

Ngayon ay papunta na ako sa Andrada Supply Company (ASC) sabi ni Nanay na dito daw ako mag-apply kasi balita niya madali daw dito makapasok.

Well, itong company na ito ay nagsu-supply ng mga kung ano-anong mga materials na kinukuha nila dito sa Pilipinas at ine-export sa iba't-ibang mga bansa. Parang ang company na ito ay all in one kasi lahat ng kakailanganin ng iba't-ibang bansa ay i-contact lang nila ang ASC ay agaran na ipapadala sa kanila.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Manong guard na may matching sunglasses na suot-suot at pa-chill ang look.

"Manong guard, may bakante ba dito?" tanong ko.

"Ang alam ko meron hija itanong mo na lang dun sa babaeng yun." sabay turo dun sa babaeng nakaupo at may parang nirerecord.

Pumunta ako dun at tinanong siya.

"Miss, pwede po bang mag-apply?" panimula ko.

"May I have your Resume?" sabi niya.

Tapos iniabot ko yung Resume ko sakanya. Ini-scan naman niya ito ng mabuti.

"So you're a BSBA-M graduate." sabi niya.

"Yes po Ma'am." sabi ko.

"So punta ka sa office ni Mr. Danilo Andrada for the interview." sabi ni Ate.

"Okay po." sabi ko.

Tapos umalis na ako. Wait nakalimutan ko kung nasaan ang office ni Mr. Danilo Andrada. Ang lawak pa naman nito. 

Pabalik na sana ako para tanungin kung saan makikita yung office ni Mr. Andrada kaso wala na yung babae. Hays pag minamalas nga naman.

Busy lahat ng tao dito kaya wala akong mapagtanungan. Saan ako maghahanap. 

All of the sudden, bigla akong may nabangga na lalaki. Nanlaki ang mga mata ko kasi natapon yung kape na hawak-hawak niya at natapunan siya sa damit. 

"What the!" sabi niya. Omg galit siya pero siya naman ang may kasalanan at sino siya para sigawan ako.

"Teka lang ah, ikaw kaya yung bumangga sa akin!" palaban kong sagot.

"Wow hah, ikaw yung hindi dyan tumitingin sa daan." sabi niya.

Hays sayang ka gwapo ka pa naman kaso di ko lang ma-take yung ugali mo -,-

"O-Okay fine, I'm sorry!" sabi ko. Well, ako naman talaga may kasalanan pero pinalaki pa ng lalaking ito yung issue. Di naman niya kailangan akong pagalitan at pagsungitan -,-

Reunited Worlds (Completed)Where stories live. Discover now