Kabanata 31

278 10 0
                                    

Nagising na lang ako nung may kumalabog na malakas.

"Aish ano ba yun? Mikael naman." unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko siya, pinupulot yung mga nalaglag na libro. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at iminulat muli pero hindi nga ito panaginip o imagination, totoo nga.

"Sorry about that."

"A-Anong ginagawa mo dito, Daniel?" unti-unti siyang lumapit sa kama ko. At lumalayo naman ako tapos umupo siya bigla sa kama ko.

"Nakalimutan mo na kaagad binibini?" bakit namula ako sa pagtawag niya ng binibini. Aish erase erase di ako kinikilig!

"Ngayon tayo pupunta sa San Agustin." aish ngayon na ba yun?!

"Ahh okay. Bakit ang aga? Tingnan mo nga, hindi pa sumisikat yung araw. At saka sino may sabi sayo na pumasok ka sa kwarto ko?" sunod-sunod kong tanong. Napatawa tuloy si Daniel.

"Shhh daming tanong. Actually, kanina pa akong 3:00 dito tapos pinapasok ako ni Tatay mo. Kaso masyado kang sleeping beauty kaya ayun di muna kita nagising pero nagising ka na eh kasi nalaglag ko yung libro, nilalaro ko kasi si cheesecake." tiningnan ko si cheesecake at napa-wag pa yung buntot niya at labas pa ang dila.

"I think namiss niya yung Daddy niya." mahinang sabi ni Daniel.

"Ano??"

"Wala. So ano pa ang ginagawa mo diyan Ms. Rose Garcia?" nakapamewang pa siya ah, hanggang sa pamamahay ko boss pa rin siya hays nakakahiya naman.

"Sabi ko nga po, maliligo na ako at magbibihis. Pwede po sa salas muna po kayo. Dun muna po kayo maglaro ni Baby cheesecake?" napatawa na naman siya. Trip niya talagang asarin ako -,-

"Good. Sige dun na kami and wag ka mag-po sakin BABY FACE ako!" sabi niya. Edi wow aish, ito ang pinaka-nakakainis kong morning sa buong buhay ko.

Dali-dali akong naligo at nagbihis. Naka-pink na crop top ako ngayon with matching square pants.

Pumunta na ako sa kwarto at kinuha yung inimpake ko kagabi. Mga limang damit at dalawang pants lang dinala ko, 3 days lang naman kami dun kaya konti lang dinala ko.

Pumunta na ako sa salas at nakita ko si Mikael at Daniel na nag-uusap. Gising na pala siya. Aba, nagtatawanan pa sila ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawang ito.

"Tayo na." sabi ko.

"Ano? Tayo na?" sinamaan ko siya ng tingin pati na rin si Mikael na nagpipigil ng tawa pero tinawanan lang nila ako. Juskolord, 3 days ko kasama itong lalaking ito, gabayan niyo po ako huhu.

"Bye Baby cheesecake. Behave sa Lolo at Lola mo hah!" sabi ko.

"Bye Cheesecake, yaan mo iingatan ko si Mommy mo. Okay?" sabi ni Daniel. Hinampas ko naman siya at tumawa ulit. Ang saya yata ng lalaking ito.

Lumabas na kami at wala akong makitang kotse.

"Asan kotse mo?" tanong ko.

"Nasa bahay." cool niyang sabi.

"Ano?! Paano tayo makakapunta dun? Ano yun maglalakad tayo??" sarcastic kong tanong. "Pwede naman." sabi niya. Hays trip na trip niya talagang asarin ako.

"Joke lang. Ano yun death march lang? HAHA syempre magba-bus tayo. Di ko kasi saulo yung daan papunta dun kaya di ko dinala kotse." sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako sa explanation ng lalaking ito.

Pumara na siya ng tricycle papuntang bus terminal. Pagkadating namin sa bus terminal nagulat kami sa haba ng pila hays ganun ba karami ang pupunta sa probinsya.

"Sure ka ba na pipila tayo diyan?" tanong ko.

"Yan nga ang sinasabi ko kaya maaga ako pumunta sainyo kasi mahaba dito ang pila." wow ah 6:00 palang ganito na kaagad pila dito.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon