Chapter 17: The Second Heartbreak

Magsimula sa umpisa
                                    

“Mahiya naman ako sa kagwapuhan mo.” Sabi niya, sabay eyeroll. “Hanggang salita ka lang naman talaga eh! Ni wala ka nga sa level ng mga kakilala ko sa America!”

“Tss. Siyempre wala ako sa level nila. Kasi matagal ko na silang nahigitan!”

“Kahit kailan talaga ang kapal-kapal ng pagmumukha mo! Feelingero!”

“Hindi nga ako feelingero! Sinasabi ko lang naman ang totoo!”

“Katotohanan ba yun? Baluktot kasi masyado eh!”

Nagpatuloy lang yung debate namin hanggang sa mapunta iyon sa kung anu-ano nang topic. Ang ingay-ingay na nga namin eh. Siguradong magrereklamo na naman mamaya si Ericka kapag hindi kami tumigil. Pero at least, nawala na yung pagkailang sa pagitan namin ni Naomi. Bumalik na rin sa pagiging normal ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Simula kasi nung araw ng incident sa drama club practice, halos hindi na kami mapakali kapag kami’y nagkakasama. Buti naman at naresolba na namin yung gusot na yun ngayon.

“Alam mo ba, mas masaya talaga yung samahan nating lahat noon. During our elementary school days, at mas lalo na nung middle school tayo.” Sabi ni Naomi nang matapos na ang napakahabang pagtatalo namin. Bumalik siya sa panonood sa paglubog ng araw.

Napatingin na rin ako sa sunset.

“Oo nga eh.” Sang-ayon ko.

Nagtinginan kaming dalawa. Pero agad-agad namang naglook-away si Naomi.

“But that’s all in the past now.” Sabi niya. Isang malungkot na ekspresyon ang namuo sa mukha niya.

Napailing ako.

Tama siya. Yung mga pangyayaring naganap noong mga bata pa kami, hanggang dun na lang talaga ang mga yun. Hanggang mga ala-ala na lang ang mga masasayang araw namin. Kasi imposibleng mabalik ang nakaraan namin. Imposibleng mabalik ang dating samahan namin. Imposibleng mabalik ang dating pagtitinginan namin.

Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong umasa. Umasang magkakaayos kami ni Naomi. Umasang mabibigyan ako ni tadhana ng pangalawang pagkakataong makatuluyan siya. Umasang posibleng mahal niya rin ako.

“Paano kung kunwari, bigla akong nanligaw ulit sa’yo. Papayagan mo ba ako?” Tanong ko sa kanya.

Napatingin si Naomi sa akin. Mukhang nagulat siya sa bigla kong pagtanong.

“Bakit mo natanong?” Sabi niya.

Iniwasan ko ang tingin niya.

“Wala lang. Gusto ko lang itanong.” Palusot ko.

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

“Ewan ko lang.” Sabi niya. “Baka kasi, hindi mo na naman hintayin ang sagot ko at manligaw ka na lang agad ng iba.” Ang mapait niyang salita.

Agad na napunta ulit ang titig ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.

“At kailan ko yun ginawa? Hinintay kita Naomi. Sabik na sabik pa nga akong marinig ang sagot mo. Pero pinaasa mo lang ako. Dahil hindi mo man lang sinabi sa akin na meron ka na palang iba.”

Mukhang naguluhan siya sa mga sinabi ko.

“Iba? At sino naman yun?” Demanda niya.

“Nakalimutan mo na ba? Hindi ba’t pinili mo si Jasper Medina kesa sa akin? Hindi ko inakalang siya pala ang tipo ng lalaking magugustuhan mo. Akala ko pa naman, ayaw mo sa mga taong third-rate.”

Siya naman ang nagbigay ng masamang tingin.

“Para malaman mo lang, hindi naging kami ni Jasper. Ni wala nga akong planong sagutin siya noon. At higit pa doon, wala kang karapatang manghusga ng ibang tao at tawagin silang third-rate. Dahil mas malala ka pa kesa sa kanila!”

“Hindi ako bulag Naomi. Kitang-kita ko kayong nagyayakapan sa bahay mo noon. At ang sweet niyo pa nga pagkadating niyo sa school nung sunod na araw. Akalain mong siya pa ang pinagdala mo ng mga gamit mo! Ano pa kayang tawag mo dun?!”

“Hindi nga naging kami ni Jasper!” Malakas na sigaw niya. “Yung sinasabi mong pagyayakapan namin sa bahay? That was for consideration on his behalf. Dahil binusted ko siya. Dahil sinabi ko sa kanyang wala akong ibang lalaking planong sagutin kundi ikaw lang. At yung sumunod na araw sa school? Nakasalubong ko siya sa gate at tinulungan lang niya akong dalhin ang mga materials ko para sa project!”

Napatitig na lang ako sa kanya.

“Imposible. Alam kong kayo na nung time na yun. Sinabi pa nga mismo ni Jasper sa akin na tigilan ko na ang panliligaw ko sa’yo. Dahil wala na akong pag-asa. Dahil sinagot mo na siya. Dahil siya ang pinili mo.”

“At pinaniwalaan mo lang siya?” Demanda niya. Napansin kong may mga luha nang namumuo sa mga mata niya. “Ni hindi mo man lang kinumpirma sa akin kung totoo nga talaga yun.” Tumulo na ang mga luhang iyon.

Lumapit ako sa kanya para punasan ang mga ito, pero agad naman siyang lumayo.

“Naomi—” Umpisa ko, nanghihinayang na, pero hindi na niya ako pinagsalita pa.

“Tama na. Ayaw ko nang marinig ang mga excuses mo.” Sabi niya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa loob ng bahay. Nasa pasukan na siya nang bigla siyang lumingon at tumingin sa akin.

“And regarding your question earlier, kung papayagan kitang manligaw? Wag ka nang umexpect na mangyayari yun. Dahil kahit magmakaawa ka pa, hinding-hindi na kita bibigyan pa ng chance.” At naglakad na siya paalis.

At sigurado ako, pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya, sa pangalawang pagkakataon, bumiyak na naman ang puso ko.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon