Ang Chicken Skin at ang Receptionist

2.7K 72 23
                                    

     LATE akong nagising kahapon dahil sa lintek na virgin kong cellphone na bumigay habang payapa akong natutulog at nakikipaglaro sa mga dolphins somewhere in the middle of Cagayan River. Nag-set ako ng tatlong alarm bago ako matulog. 4:00, 4:15 tsaka 4:30. Nahiya nga yung 10:00 kong gising. Siguro bumigay na lang yung cellphone ko habang busy syang nagva-vibrate at sinusubukan akong gisingin like some coma patient. Poor cellphone.

     Pumunta kami ng thesis groupmate kong si Dodi somewhere in the South para maghagilap ng supplies na gagamitin namin para sa experiment proper —agar at bacteria. Yung agar ay yung pinapatubuan ng bacteria sa lab. Yung bacteria naman ay yung tumutubo sa agar. So yeah. Nasabi kasi ng isa kong kaklase na may dealer (dorogista?) daw ng ready-made ng agar at binebenta nang sobrang mura. Bilang ayoko nang mapamura pa sa laki ng gagastusin para bumili ng titimplahin pa, na more or less ay 4K per bottle, grab na agad the oppurtunity while hindi pa sya gina-grab ng iba. Lol.

     Tingtigiding, shortcut na to Alabang. Kunwari na lang nag-helicopter kami, ganyan. Sumakay kami ng jeep byaheng SM Southmall. Ang awesome ng change of transpo namin di ba? From helicopter to jeep. Wow just wow. Walang masyadong kakaibang pangyayari sa loob ng jeep. Wala namang malakas ang putok, all because of the good weather siguro. Dahil kung makulimlim na nga ang panahon, pero yung kili-kili mo umiiyak pa rin, aba tanginang putok naman yan.

     Nakarating kami sa Pilar peacefully. Walang gasgas. Walang pighati. Walang bitterness. Wala itong hugot, please. Then, nagsimula na kaming magtanong-tanong kung pano makakarating sa kung san kami dapat pumunta. Una naming tinanong si Kuyang Nagtitinda ng Chicken Skin. Pagkatapos naming bumili ng overpriced na tuyot na balat ng manok at tiisin ang sawsawan nyang suka na wala namang lasa, ang nakuha naming sagot nang tinanong namin kung nasan yung Microbiology and Infectious Disease Center, ay, "Di ko alam bago lang din ako dito eh". Mga ganung ganap masarap manusok ng barbeque stick. Yung with feelings at ngumingiti ka habang paulit-ulit na tinatarak sa kanya.

     Dahil nga frustrated at binabalot na ng criminal instinct, dun na lang kami nagtanong kay manong tricycle driver. Buti pa sya alam nya kung saan yung destinasyon namin. Oo, alam nya. Special mention kay Kuyang Nagtitinda ng Chicken Skin. Dejk. Wala akong galit, Kuya. Inis dun sa sukang lasang tubig, meron. At sa chicken skin na nagtatago sa likod ng harinang mga one inch na ang kapal, meron din.

     Pero ang highlight talaga ng adventure naming ito ay ang receptionist ng MIDC. 

Ako: Good afternoon, Miss! *ngiting wagas hanggang kaluluwa*
Receptionist: Hello. *medyo nagitla sya, parang nakakita ng artista, ganyan*
A: Naghahanap kasi kami ng bacteria para sa thesis namin.
R: Ahhhhh. *swear ang haba talaga nito, mga isang buong chapter*
A: Pwede ba kaming bumili galing sa inyo? *ngiti ulit, yung pinaka-sweet na*
R: Ay sorry. Hindi kasi kami namin binebenta or pinamimigay ang bacteria.
A: Totoo po? Kahit na po may request galing sa school or isama ko yung thesis adviser namin dito?
R: Hindi po talaga eh. *tigas ng puso pucha*

     Ayun, bumulagta si ateng receptionist after ko syang barilin ng shotgun.

     Joke lang. Ayoko ng violence. Bad yun. Pero naisumpa ko na ang kaluluwa ni ateng receptionist na sana ay balatan sya ng buhay ni Satanas sa other life. Joke lang ulit. Ayoko nga ng violence kasi bad yun.

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon