Boo Binay Boo

761 38 14
                                    

     ANG balita ko inendorse na raw ni PNoy si Mar Roxas bilang pambato ng Liberal sa 2016. Kung siguro juvenile delinquent akong tunay, medyo wala akong pakialam sa mga ganitong issues. Siguro mas magiging concerned pa ko sa pagtaas ng presyo ng rugby o ng vulca seal because yolo.

     Nakikisawsaw lang ako sa totoo lang. Sa tingin ko kasi out of delicadeza lang kung bakit si Roxas ang inendorse nya. Kasi kung magiging praktikal ka, dun ka na sa Grace Poe. Malinis ang track record kasi medyo fresh pa sa larangan ng politika slash lokohan. Kumbaga sa isang basket ng mga puta red mansanas, sya yung nag-iisang green apple, ganyan. Top contender din sa surveys, samantalang si Roxas ayun naghuhukay ng kamote. Wala akong issues sa kamote, okay. Paborito ko yun.

     Ang pinag-uugatan lang naman talaga ng pakikisawsaw kong to eh dahil ayokong manalo si Binay. Tanginang tunay pag sya ang naging presidente ng Pilipinas. Wala na ngang utang na loob sa present administration, lakas pa ng loob manira ng iba eh sya rin naman tong nuknukan ng pagka-magnanakaw, nagsama pa ng anak na di na nga alam ang sinasabi, bobits pa at inutil sa Senado. Naasar ako sa totoo lang. Partida di pa ko taxpayer nyan. Pero kasi frequent buyer ako eh so indirectly nag-aambag din ako ng taxes, di ba?

     Ayoko lang siguro talaga sa taong mayayabang (dahil mayabang din ako kaya siguro ganun). Yung i-claim mo na ikaw ang nagpayaman sa Makati at mandarag ng iba pababa para lang umangat ka. That is plain foolishness. Tangina nya.

     Sana lang talaga tumakbong presidente si Duterte. I see hope in him.

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Where stories live. Discover now