Paano Ba Maging Mabuting Kaibigan?

389 21 2
                                    

     PAANO ba pumasang mabuting kaibigan? May formula ba, directions, o kahit anong tanda man lang na tama na ang ginagawa mo at hindi nagiging patapong tao at kaibigan ka lang?

     Hindi ko masabi sa isa kong kaibigan kung gaano ako naiinis sa post nya sa Twitter. Sa sobrang frustration, ni-like ko lang. Saya.

     Sino daw bang nangangarap bumagsak ng board exam?

     Tangina.

     Wala rin kasing matinong magulang o kamag-anak in the process ang iisiping hindi mo kakayanin kung ibinigay sayo lahat ng kailangan mong suporta. Binigyan siya ng chance mag-apartment at tumira sa isang lugar na accessible sa review center para hindi na hassle ang transpo unlike kung mag-uuwian. That is one thing. Dahil kung hindi naman siya pinagkakatiwalaan ng mga magulang niya, heck would they allow na tumira siya sa lugar na hindi naman siya pamilyar at all.

     May aircon yung unit. Lahat ng kailangan niya para mag-survive daily ay provided. Ang korny nung mag-survive pero yun yung totoo eh. Ang kailangan na lang talaga niyang gawin ay pumasok araw-araw, mag-aral, at mag-aral pa lalo kung di nakukuha sa unang pasada.

     Pero kasi ipinagpalit niya lahat yun, yung sana ay one hit wonder sa isang relasyon okay naman sana kung namanhandle nang maayos. Kaso para siyang tinangay ng baha ng pag-ibig, nalunod, at hindi na nakaahon. Ang masama dun, may choice kasi sya. She could have been both a good partner and reviewee at the same time. May pagkakataon sana siyang makipagdate at mag-aral nang seryoso nang walang nape-prejudice, napapabayaan, at hindi nabibigyan ng tamang atensyon. Wala ng balance is the key, balance is the key eh. Nasa tamang allotment lang ng oras at prioritization. Hindi niya kasi alam na nung bumagsak siya, pati kaming mga kaibigan niya hindi alam kung paano pagagain yung loob niya.

     Ang ending, nawala siya, eh. Ang masama pa, hindi niya sinubukang hanapin yung urge na nandun pa naman dati. Mas sigurado pa ako sa pagpasa ko na nakita ko yun dati. Pero tangina naglahong parang bula. Ayokong amining nagkulang kami sa paalaala...pero siguro. Pero kasi nakita naman niya kaming mag-aral, nasaksihan naman niya yung struggle namin, gising rin siya ng mga oras na nagpupuyat kami dahil may exams kinabukasan. Lahat kami may beinte kuwatro oras sa isang araw at lahat kami naramdamang hindi yun sapat.

     Ayoko ng ganitong pakiramdam eh. Hindi ko magawang sisihin siya sa kasalanang siya naman talaga ang may gawa. Dahil bumabalik lang ako sa basic point na kaibigan ko siya, dapat dinadamayan ko siya sa pinagdadaanan niya, ako dapat yung nakikisimpatya at nagpapagaan ng pakiramdam niya. Pero ayoko rin kasing paniwalain siya sa ilusyong hindi kailanman naging proud ang mga nakapaligid niya sa kanya. Dahil maging ako, nakita ko yung tiwala ni Tita sa kanya.

     Sumuko siya. Sinukuan niya yung posibilidad. Sumuko sa pwede pa naman sana. Muntik na rin kami, akong sumuko, pero ako, kami rin ang bumuhay sa apoy na kami rin naman ang nagsimula.

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Where stories live. Discover now