Pagligo: Ang Paghukay, Let's Do This

996 45 8
                                    

     KANINA ko lang naisip na pati pala pagligo maituturing na ring privilege. Di ba? Di ba? Kasi kung iisipin, hindi naman lahat ng tao, may pantay-pantay na oppurtunity para makatikim ng ligo. By tikim, I mean, ibubuka mo nang dahan-dahan tsaka isisibasib ng dila at sipsip.

     Yan, dyan ka magaling!

     Seryoso na. So ganun nga. Bilang hindi naman lahat ng tao nagkakaron ng chance maligo kahit isang beses sa isang araw, mararamdaman mo na ang swerte mo pala kumpara sa marami satin. Na kahit ayaw mong maligo dahil malamig ang tubig, sira yung heater, walang shampoo, walang sabon, walang banyo, or worst, hindi mo talaga sya naging habit mula pagkabata, eh kahit magtampisaw ka sa banyo nang tatlo o apat na beses sa isang araw ay pwede. Walang nanay na sisigaw at magpapaalala na walang tubig, walang gripo, walang mag-iibig, or hindi naman talaga kayo naliligo sa totoo lang.

     Di ba ang swerte mo? Ang swerte natin dahil nagde-deo pa tayo after maligo, nagwa-wax ng buhok bago pumasok ng school, at nag-sspray ng pabango na tagos hanggang epidermis. Joke, basta yung second layer ng balat. Di ko alam, tangina. Hahaha.

     Maraming bagay ang dapat nating ipagpasalamat. Maliban na lang sa katangahan ng sambayanang Pilipino na nagpauto at ibinotong senador si Nancy Binay.

     P.S. Wala akong pinaglalaban. Kasi nga bad yun. Eh dapat good example ako sa inyo kaya pag-pray na lang natin kaluluwa nya. :)

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Where stories live. Discover now