Attachment sa Panibago

351 11 0
                                    

     KANINA, habang tulala sa ere at gumagamit ng imaginary measuring cup para tantyahin kung uulan ba o hindi, ay sinubukan ko yung dati kong trip sa buhay-makipag-usap sa taong totally ay di ko kilala para lang hingahan.

     Nakakasawa kasing ibuga na lang lahat sa hangin at umasang makakarating lahat ng bigat na inilabas sa dapat nilang puntahan. Pero knows, di ba? Sa laki ba naman ng mundo, sa hanging presensya lang ang patunay ng existence, parang ang sarap magtiwalang mangyayari yung bagay na parang sa unang consideration ay imposible.

     Pero gaya nga nang nasabi ko na, nakakasawa.

     Ang sarap kasi talagang huminga nang panibago. Ang sarap tumikim ng sariwa. Yung ipasok ang preskong hangin sa lugmok na sistema at iboost yung morale ng positivity, ilabas lahat ng drama, frustrations, at nakaimbak na luhang sa sobrang alat pwede ng asin. Tapos yung tatanggap ng load mo ay hindi ka huhusgahan, magiging patas, at pakikitaan ka ng sense at perspective na hindi lang bunga ng madamdaming delivery ng one-sided na kwento at nakaayon sa outcome na gusto mo. Hindi yung laging vinavalidate lahat ng sinasabi mo at para ka lang nakikinig sa lorong paulit-ulit at tango lang nang tango. Dahil usap at sense ang gusto mong isaksak sayo, hindi pretensions at maling convictions.

     Ang sarap i-enlighten ng perspektibong akala mo sobrang liwanag pa yun pala malapit nang mapundi. Ang sarap tumanggap ng payong hindi selfish, hindi kinoconsider kung sino ka ba o kung anong mararamdaman mo. Basta payo-yung straight, sapul, bull's eye-na choice mo na lang kung openly mong tatanggpin o paninindigang kabaligtaran pa rin ang dapat mong gawin.

     Siguro nga kahit well-versed ang tingin ko sa sarili ko o kaya kong magpayo nang hindi ko ipinapakitang maging ako ay emotionally unstable at times, darating at darating yung puntong magsasawa ka sa iisa lang, sa paulit-ulit na lang. Gusto mo ng diversity, tumikim ng ibang putahe. Yung point of view na hindi naman ikaw yung bida kundi abang audience na naghihintay na mapansin ng rolyo ng kamera.

     Classic example ng kwentong mas masarap maging abangers sa walang kasiguraduhan o baka sa huli'y ikaw lang din ang masasaktan.

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin