Passion ang Fuel and Fighting a Battle Semi-Prepared

500 24 21
                                    

     DALAWANG buwan. Timeframe na naglie-low ulit ako sa pagsusulat dahil mas may kelangang pagtuunan ng pansin. Well, lagi naman akong lie-low. Haha. Wala naman yatang panahong nasa peak ako ng pagiging artsy (yes naman artsy haha) ko dahil maikli yata talaga ang attention span ko.

     Kapag graduate ka ng Medtech gaya ko at pagtungtong mo sa PICC para tanggapin ang diplomang ilang taon mong inilaban sa mga prof mong malupet sa tug-of-war, welcome to the real world you dipshit agad ang drama. Parang woah shet teka lang di pa ko prepared, pwede another year muna of preparation???

     Pero walang ganun. Ang sabi nga ng lecturer namin sa review center at ng isa sa mga paborito kong prof nung college (yes naman akala mo 10 years ago ako grumaduate haha), you can and will never be ready. Kahit gaano ka nag-review, you'll feel that gaping hole that needs to be filled. Laging parang may kulang. Laging parang may hindi ka pa alam kahit naka-ilang round ka na ng basa at halos mamemorize mo na word-for-word kahit na hindi ka naman sasabak sa recitation o sa paboritong laro ng mga braniacs--ubusang brain cells.

     At isa ako sa mga biktima ng theory of gaping hole. Isang teoryang nagmula sa kagaguhan kong magpaka-superhero at kumuha ng specialty sa pag-mamanhandle ng oras like some powerful gunggong. Dalawang buwan—ang sabi ko kaya kong mag-review sa ganun kaikling span of time. Sobra-sobra pa nga yun, sabi ko sa sarili ko. Na nagbunga naman—ang pinakapaborito kong gawin tuwing exams, ang mag-cram.

     Puchapie, a day before the boards—the day a sane individual would think of resting, dahil nabasa na niya lahat at confident na sya sa alam nya, I was loathing myself. Yes, english tangina. Ramdam nyo yung intensity? Nagvavibrate sya, men. Yung area na may pinakamahabang coverage, mas mahaba pa sa traffic sa EDSA kapag rush hour, o pila sa MRT kapag nagsabay-sabay lahat ng commuters. Basta lahat ng mahabang maiisip mo times 10. Shitty, no? Definitely. At hindi ko na kailangang sermunan pa ang sarili ko dahil may readings akong nakatambak, naghihintay na mahawakan kahit 10 minutes at i-absorb kahit via diffusion man lang.

     At bilang isang normal na tao lang naman ako, hindi ko sya natapos. Wooh, fireworks! Fantastic! Paparty ka naman, men! Oo, tropa. Tempt na tempt na kong mag-summon ng Pokemon of truth at ipamukha sakin na kahit anong agile mo sa acads, kahit gaano kabilis mag-function ang memorya mo, once you think kahit millisecond lang that you cannot do it, para syang virus na readily inaabsorb ng katawan mo tagos hanggang kaluluwa. Nagiging parte mo sya. Sinusuccumb lahat ng self-esteem at pinapalitan ng pagdududa kung kaya mo ba, malamang sa malamang hindi, dapat next time ka na lang mag-take, sayang oras, babagsak ka din naman.

     Siguro kinukutya nyo na ako ngayon. Or hinahangaan? Haha, baliw ka. Epitome of foolishness ang bansag ko sa sarili ko ngayon. Kasi alam kong kaya ko. Alam kong kung ginusto ko, magagawa ko. Pero ang masaklap, hindi ko nagawa, b3h. And who would I blame? Syempre, sarili ko. Ako lang. Wala nang iba.

     Ang guess what? Isinuko ko lahat sa Kanya. Ipinagkatiwala ko ang pagpasa ko sa entity na noon pa man pinagkatiwalaan kong laging nasa tabi ko gaano man ka-shitty at ka-unbearable ang ilan sa mga personal encounters ko sa tinatawag na tunay na buhay. Inilabas ko lahat sa kanya. Frustrations. Fears. Promises.

     And you know what? Meron tayong Diyos na sobrang bait. Hindi ka nag-iisa sa bawat pagkakataong iniisip mong wala man lang nandyan para damayan ka. O sa mga sitwasyong parang nag-align ang mga planeta at mga stars para iparanas sayo ang wrath ng universe. Pucha, pramis, hindi ka nag-iisa sa struggle mo. Siguro iniisip mo na palibhasa kasi may internet kayo sa bahay, may laptop ka, may phone ka, lahat ng gusto mo nakukuha mo dipshits. But no. Partly yes, haha. Pero lahat naman ng bagay o pangyayari sa buhay ng tao, may rason—kahit gaano ka unreasonable o pathetic ang rason. Basta may rason. Hindi yan dumating para sa wala.

     Nagpapaka-pastor ako dito. Hindi ako sanay. Pero ganun talaga. Venture, venture din kapag wala nang stressors. Haha shet. I've fought the battle long enough. I deserve this luxury called rest. Bakit?

     Kinikilig ako. Hahaha. Si EmpanadaMan na halos puro kagaguhan at self-made artisan na magdedesign ng cake ng buhay mo ay isa nang RMT—Registered Medical Technologist. Hihihi.

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Where stories live. Discover now