Shit is Nang Nagsabay ang Pagod at Traffic

638 26 1
                                    

     KARARATING ko lang ng bahay ng half past 9 galing duty. Medyo toxic ulit sa lab kanina dahil ako lang ang intern na naiwan sa section kung saan ako naka-assign. Yung mga kasama ko nag-out ng 2, samantalang ako 12-8 ang duty.

     Truthfully, wala namang kaso kung laging late ang labas ko. Masarap namang bumyahe ng gabi. Siguro dahil night person ako o may kung anong masarap lang sa feeling kapag nasa daan ako ng mga alanganing oras. Bonus na lang dahil hindi ko na kailangang makipagbalyahan para makasakay sa jeep tapos malamig pa yung hangin.

     Pero parang lahat ng positivity natatabunan ng stress na dala ng traffic. Yung kahit subukang i-balance ng isip ko yung thought na okay-lang-kahit-pa-isa-isang-metro-lang-ang-usad-ng-jeep-at-least-umuusad at putangina-bakit-ganito-na-naman-may-aksidente-ba-kaya-hindi-umaandar, wala pa rin. Para lang akong nakikipagtalo sa sarili ko kung dapat ba akong mainis dahil binigyan ako ng panis na pagkain o hindi.

     Pucha naman kasi. Parang isinuko ko na yung queen ko sa chess—ganun na katindi yung partida na late na late na yung labas ko pero yung daanan ang lakas maka-rush hour less the blowing of horns from time to time. 

     Isang oras lang ang normal travel time ko galing bahay papuntang ospital and vice versa. Pero asdfghjkl halos dalawang oras akong nasa daan dahil sa linsyak na traffic na hindi matapos-tapos. Yung pakiramdam na pagod na pagod ka dahil sa dami ng ginawa mo, wala ka pang kain kasi nag-eexpect ka ng pagkain sa bahay, at yung antok syempre na parang gusto mo na lang humiga sa kama hanggang bukas at hindi na ulit pumasok naghalo-halo na, pero parang lahat ng comfort na deserve mo ipinagkakait sayo ng pagkakataon.

     Hindi ko maisip kung sobrang congested na ba ng mga daan sa Pilipinas  at hindi na kayang i-accommodate lahat ng mga sasakyan? Dahil ba sa road repairs at kung ano-anong projects ng mga pasikat na pulitiko? O dahil sa kawalan ng disiplina at hindi pagsunod sa mga simpleng road travel policies? 

     Totoong cancer na ng lipunan tong traffic. Kasi kung sakin nga na estudyante palang grabe na yung epekto, ano pa sa mga taong nakakaltasan ang sweldo dahil dumarating sa opisina ng late kahit gaano pang adjustment ang gawin.

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Where stories live. Discover now