We All Need Saving

467 22 8
                                    

     WE are fragile in some ways. Parang babasaging baso na kapag nalaglag, pwedeng pulutin pero damaged na. May mga bahagi ng buhay natin na minsan o madalas ayaw nating ibahagi sa iba--may tiwala man tayo sa kanila o wala.  May mga bagay na mas gusto nating sarilihin. Hindi dahil gusto nating magdamot o maging makasarili at isiping kayang-kaya nating solusyunan ang lahat ng bagay nang walang tulong ng iba, kundi dahil ang bagay na yun ay yung mismong kahinaang pinagtatakpan natin--kung sino talaga tayo.

     Mahirap ibahagi nang buo ang sarili sa iba. Mahirap ibigay yung sobra-sobra kahit gaano mo pa nadecode yung kagaguhang, if you haven't given your all, you didn't do it at all. Yung kahit dapat ay itinira mo na lang sa sarili mo, ipinamigay mo pa dahil ganun naman talaga dapat di ba? Hindi ka nagkakaroon ng reservations lalo na kung alam mo kung saan patungo ang isang bagay. Parang one-way na daan. Sigurado ka eh. Walang trace ng pagdududa. Sure as the fact that you'll wake up tomorrow, without realizing ang sangdosenang bagay na pwedeng mangyari habang tulog ka at absorbed sa reyalidad na gawa ng isip mo at pilit mong pinaniniwalaan. Pero ang catch, nasa Pilipinas ka. May mga gunggong na sasalubong sayo sa one-way at ikaw pa ang sisihin dahil sila raw ang nasa right of way. Isang malaking kadraguhan.

     Kaya narealize ko, hindi pala maganda na ibinibigay mo lagi ang best mo. Kahit pa sabihing yun na yun, you've exerted everything in there. Hindi kasi pantay-pantay ang pamantayan ng tao. May mga bagay na para sayo, the best mo na, sa iba wala pa sa katiting ng effort na kaya nilang ibigay. Kaya siguro nagkakaroon ng misunderstanding. Dahil hindi kayo magkawavelength. Hindi kayo magtagpo sa pwede sanang sabihing common ground. Laging may bitak, may butas, o lubak na hindi matapalan ng aspalto. Life is the perfect definition of shit. Pinapaniwala kang you are unique, espesyal ka, you have a definite place in this world, those shits. Pero most of the time, hindi. Kagaya ka lang din ng karamihan sa mundong to. Kung hindi nakikipagbuno para patunayan ang sarili, nakukuntento na lang sa kung anong plano ng tadhana sa kanila mamaya, bukas at sa susunod pang mga araw.

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Where stories live. Discover now