Review: How Do I Love You?

715 34 5
                                    

     GUSTO kong sumigaw sa tabing-dagat (like some broken-hearted man na walang budget magpakalunod sa alak sa isang bar sa The Fort) dahil sa malalang stress na nararamdaman ko. Tangina talaga eh.

     October pa ko nagsimulang mag-review. Pa-unti-unti para hindi naman mabigla yung brain cells ko. Hindi pa nga nila lubusang napo-proseso yung katotohanan wala akong sembreak at hindi ko mabibigyan ang sarili ko ng oras para mag-unwind at magpa-bakasyonista somewhere only I know. Dejk. Wala naman yatang somewhere only I know, kasi malamang kung saan man yun, may NPA na dun. Amen to social relevance.

     Out of six subjects na ite-take ng lahat ng interns para sa comprehensive exams, wala pa kong nama-master ni isa. Hahaha potah. I feel so useless gusto ko na lang mag-dive sa kailaliman ng Pacific Ocean at makipag-communicate sa mga hindi pa nadi-discover na sea creatures and fall in love with them.

     Pano ba kasi dapat mag-review? May formula ba para makuha ko agad in an instant lahat ng kelangan kong i-memorize? Ilalagay ko na lang ba sa ilalim ng unan ko lahat ng review materials at maghihintay ng isang maawaing magical creature na gagawa ng tricks para sakin? O mamahalin ko na lang ang mga libro ko at aasang ibabalik nila sakin lahat ng pagmamahal na ibinigay ko (like some bestfriend na secretly in love sa matalik niyang kaibigan pero nakukuntento na lang sa pagtingin dito mula malayo) kahit walang kasiguraduhan?

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Where stories live. Discover now