I'm Sick and Tired and Lahat Na

1.1K 43 12
                                    

     SA sobrang katamaran, ayoko nang buksan yung PC ko kaya dito ko na lang sa mobile app isusulat ang mga hinanakit ko sa buhay habang ang inconsiderate naming kapitbahay ay nagpapatugtog ng nae-nae. Feeling ko nga sumasayaw pa sya. Walang pakiramdam ampota.

     Hanggang ngayon occupied pa rin ang utak ko ng thoughts (wow thoughts) tungkol sa thesis namin. May halaman nga, wala namang mapag-extract-an. Alangang sipsipin na lang namin yung katas ng dahon like some mango juice in disguise. O di kaya manually namin syang pigain. Parang gata lang, ganyan. Eh hindi naman pwede kasi baka ako yung pilipitin ng adviser namin. Ilang araw ko nga rin syang pinagtaguan dahil wala akong mahanap na halaman, tapos ngayong nakahanap na ko, wala namang mapagkatasan. Hay life.

     Eto may bonus pa. Tumawag ako sa National Museum para sa authentication ng halaman namin. Baka naman kasi ang nakuha pala namin ay some damong ligaw na nagpapaka-Mystique at nagkukunwaring plant material na kailangan namin. Mahirap namang sa experiment na namin matuklasan na isa pala syang kangkong when in fact ang kailangan namin ay pechay. So yeah. Hindi raw kasi allowed mag-submit ng sample na tuyo na. Sarap konyatan sa pancreas eh. Like hello, air dried sample nga yung kakatasan namin eh. Alangang umorder pa kami ng fresh at buong-pusong maghintay hanggang sa matuyo sya na parang sinaing. Tapos dapat daw merong stem yung halaman na dadalhin namin at naka-attach pa yung mga dahon at flowers kung meron man. Wow. Project lang elementary, ganun? Ayun, binabaan ko nga ng telepono.

     Biro lang. Nag-thank you na lang ako sa kausap ko kahit masakit sa damdamin. Yung feeling na nag-eexpect ka na wala ng magiging abirya and then all of a sudden, bumuhos silang lahat. Sabay-sabay pa.

     Ayoko nang umasa.

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Where stories live. Discover now