Hindi Pala Tayo Okay

837 38 45
                                    

     MAY mga bagay na para sayo. Yung kapag inangkin mo, walang mang-aagaw, walang sasawsaw. Yung kapag ginusto mo, makukuha mo. Pwedeng pahirapan sa simula. Pero sa ending, sayo at sayo pa rin talaga. 

     May mga bagay naman na hindi talaga inilaan ng tadhana para sayo. Yung kahit mag-insist ka na putangina akin to, isasampal sayo ng tadhana, o ng realidad, o ng kahit sino lang dyan na hindi naman nagma-matter sa buhay mo, na ang tanga-tanga mo para angkinin ang kahit kelan ay hindi naman naging sayo. Masakit deputa.

     Pero ang pinakamasakit sa lahat? Yung tanginang umasa ka na yung akala mong iyo eh iyo na talaga. Wala nang makakaagaw. Wala nang sasawsaw. Na hindi kayo naglolokohan. Na seryoso kayo at hindi naggagaguhan.

     Bakit may mga taong hindi mapagkakatiwalaan?! Bakit may mga katulad niyo sa mundo?! Tangina nyo. Buong akala ko okay tayo. Yun pala kayo lang ang okay. 

     Ako lang pala yung tangang nag-iisip na okay pa tayo.

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Where stories live. Discover now