How to Disappear Completely

414 18 3
                                    

     MINSAN, gusto ko na lang maglaho. Yung kahit anong hanap, hindi na nila ako makikita. Yung kahit anong pilit na bumalik, hindi na uulit.

     Mahirap pala yung presensyang tinitaken for granted. Yung alam nilang nandyan ka lang kaya ayos lang na maalala ka kung kelan ka lang kailangan o pansinin ka kung kelan lang sila available at may oras. For the sole reason na confident silang hindi ka mawawala at para kang on-call na kaibigang kahit anong oras tawagan o kahit nasan ka mang parte ng globo, pupunta at pupunta ka sa kung saan ka nila gustong makita.

     Sana marealize din ng iba na hindi sa lahat ng pagkakataon, ganito kami o ganito tayo. Hindi tayo garter na laging nag-aadjust. Hindi tayo gymnast na flexible at parang may note na ready to tear but will never be broken. Kasi kagaguhan yun. Yung ang tingin mo sa tao ay a shoulder to cry on at comfort of the afflicted. Every. Fucking. Time. Kasi may sarili akong issues. Kasi may sarili kaming issues. Na minsan nga, sa sobrang tutok at atensyon sa iba, naipagsasawalang-bahala na ang sarili.

     Hindi ito panunumbat sa lahat ng itinulong o oras na ginugugol. Paalaala to na yung mga taong laging nandyan ang nawala, mahirap nang hanapin. Dahil yung pagkawalang ginusto ang pinakamasarap panindigan. Ang maglaho na walang anumang naiwang bakas at maging malaya at mahalin ang sarili naman. Hindi constancy at pagiging steady, kundi ang pag-alog at pagkalampag for the right reasons. Ang gamit na gamit na, nagti-tear off. Ganun din yung iniiwan lang sa isang tabi.

     Tubig nga may expiration. Tao pa kaya.

Bakit Bilog ang Itlog at Pahaba ang Hotdog?Where stories live. Discover now