SYBG 10

1.7K 124 217
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Memories"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"MOMMY! Is this our new home?" Malambing na tanong ni Ethan. Pagapang itong umakyat sa kama ng ina. Inaantok man ngunit may ngiti sa mga munting labi nito.

"Yes, baby. Dito na tayo titira. You need to go to sleep. We will be early tomorrow." Malambing niyang sabi sa anak. Hinaplos-haplos niya ang itim na itim nitong buhok.

"You will take me to school, Mommy?" Biglang sumigla nitong tanong. Ngumiti siya at tumango.

"Yes,I will take you to school tomorrow. You will meet new kids and you can make new friends." Sabi niya anak. Inilahad niya braso at iniangat ang kumot para makaayos ng higa si Ethan sa tabi niya.

"Wow. New school? Mommy, isn't that scary?" Tanong nito na parang matanda lang ito kung magsalita. Napatingin siya sa anak. Dumapa ito sa tiyan niya.

Habang naiiwan si Ethan sa pangangalaga ni Manag Seding, inasikaso nila ni Carmella ang pagbisita sa mga eskwelahan na inirekomenda sa kanila ng mga kakilala nila sa Japan. Dahil puro pribado ang mga paaralang ito, limitado ang bilang ng taong pwede niyang isama.

Ayos lang naman para sa mga magulang dahil nakatutok ang mga ito sa pagbabalik sa Paperkutz. Medyo malabo pa para kay Brielle at Carmella ang kanilang katungkulan sa pabrika ay ayos lang naman dahil kailangan niyang tutukan ang pagpapa-enroll kay Ethan.

"Yes, baby, new school and it is not scary. Maybe the first few days. but knowing you, you will make new friends easy." Bahagya siyang pumihit paharap dito. Nakita niya ang magandang ngiti nito.

"You think so, Mommy?" Masigla nitong tanong kahit halatang antok na antok na.

"I don't so... I know so." Magaang tinapik ng kanyang hintuturo ang ilong ng anak. Nanatiling lang na nakangiti si Ethan. "You are smart, not only that, you are handsome. AND..." Pinabitin ang sasabihin, tinitigan ang naghihintay na bata. "You are very friendly, too, just like your ..." Halos hindi niya mailabas sa bibig niya.

"Just like my who, Mom? Just like my Daddy?" Seryoso nitong dugtong at tanong. Napatitig na lang ng husto si Brielle sa matalinong anak.

Paano nga ba niya sasagutin ito? Samantalang napakadali lang naman ng tanong ng anak pero bakit hindi niya masagot? Malumanay siyang huminga ng malalim at maingat na bumuga.

"Yes, baby. Just like your Daddy." Sa wakas, lumabas din sa bibig niya ang sagot. Hinigpitan na lang niya ang akap sa anak. Nangilid ang kanyang mga luha ngunit pinigil niya. Matagal silang natahimik na pareho.

"YES!" Napalakas nitong sabi. Natawa siya sa excitement na nakikita sa anak. Ang sarap lang maging bata dahil walang ibang alalahanin ang mga ito, kung malungkot man ay sandali lang at lilipas din.

"You miss him, huh?" Biglang tanong ng anak. Tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha.

"Yes, baby. I really do." Matapat niyang sagot. Bakit pa nga ba siya magsisinungaling sa anak? "I miss him so much." Bagaman ayaw niyang mag-alala ang anak at hindi pa rin niya napigil ang hindi umiyak ng palihim.

Since You've Been GoneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang