SYBG 39

1.5K 102 90
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Surprises, Ups and Down"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





WELL, sino ang hindi mai-stress sa dalawang yun? Mas higit sa ano pa man ay pinili ng mga ito ang palaging magtalo. Magsasalita pa sana siya ng biglang may nag-doorbell. Pero bago pa man sila nakahuma para pagbuksan ito ay bumukas na ang pinto.

"May pa doorbell-doorbell ka pang nalalaman! Sinabi na kasing may susi ako!" Tinig ni Ella habang palapit sa kanila.

"Kahit na may susi ka pa, Elle. Mas mabuti na rin yung mag-door bell tayo kasi nandito sila." Malumanay at malambing na sabi ni Dean. Nasa bungad na ng sala ang mga ito.

"Bakit ba kasi napakakulit mo?! At bakit ba pinakekealaman mo ang ginawagawa ko?! HA?! Ano ba kita?! Hindi naman kita kaano-ano ah!" Nakaharap na si Ella ngayon kay Dean. Bahagya lang silang nakikita ng mga nasa loob ng sala, dinig na dinig naman sila ng mga ito. Napahalukipkip si Brielle at Siege habang nag-e-enjoy na panoorin ang iringan ng mga ito pero syempre, kinakabahan din at baka bigla na lang magpatayan sa harapan nila. Tatayo sana si Aling Carmen ngunit pinigil lang ito ni Erica.

"Haayan n'yo sila, Nay." Nakangiting bulong ni Erika sa ina.Tahimik lang ang lahat na nakikinig.

"Wow. Carmella Joy, hindi mo nga ako kaano-ano pero bahay din ito ng kaibigan ko at nirerespeto ko silang mag-asawa kaya kahit na may susi din ako ng bahay nila..." Itinaas nito ang susing hawak. "Ay hindi ako basta-bastang pumapasok lalo pa at alam kong nandito lang sila. Respeto ang tawag dun." Matiim ang bagang na sabi ni Dean.Hindi ito nakasigaw pero kitang napipikon na ito sa dalaga.

"Kayong dalawa, kanina pa kayo. Ella, stop being jealous sa tuwing makikita mo ako around Dean." Magsasalita pa sana si Ella pero pinigil ito ni Ms. Crystal. "I don't see Dean the way both your eyes look at each other. It's just a pity. Kasi kita naman ng lahat na pareho n'yong gusto ang isa't isa. Matatanda na kayo, alam n'yo na ang mga dapat gawin at sabihin. Wag na kayong gumaya sa akin dahil hindi ko nasabi ang nararamdaman ko sa taong minsan kong minahal dahil akala ko forever siyang nasa tabi ko." Malungkot na pahayag ng batang guro. Natigilan si Ella at Dean sa sinabi ni Ms. Crystal, ganun din ang mga nasa loob ng sala. Hindi na nakatiis si Brielle sa tension na nabubuo sa kabuuan ng bahay kaya nagsalita na siya.

"Mabuti pa tumuloy na kayo, hindi rin naman namin narinig ang pagdo-doorbell n'yo dahil busy kami sa pag-uusap dito." Paliwanag ni Brielle param atapso na ang usapan. Mabilis na napalingon ang talo sa kanya. "Pasok na kayo dito. Kayo na lang yata ang hinihintay para mag-umpisa nang mag-usap-usap." Dugtong pa niyang matamis na nakangiti. Hindi pilit.

"Ay, Mrs. Scott. Magandang umaga po." Bati ni Ms. Crystal ng makabawi. Nilingon niya ang dalawa halos hindi pa rin makahuma dahil sa mga sinabi niya. Lalapit sana si Dean kay Crystal ngunit pinigil ang sarili dahil baka magising ang World War 3.

"Ma, nandito na po sila." Anunsyo ni Brielle na titig na titig sa kanila.

"Oh, hija! Nandiyan na pala kayo. Pasensiya at naging busy kami sa kwentuhan at hindi na namin narinig ang pagtunog ng door bell." Nakangiting pahayag ni Amanda. Hindi siya sanay mag-drama pero kaya niyang sumbay.

Since You've Been GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon