SYBG 25

1.6K 133 199
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Brothers and Sisters"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"MOM, my teacher said that this girl in her other class has the same last name as mine, but she's sure that we are not related, because she knows I don't have a sister. You remember Princess? Her last name is the same as ours, too, but she's not my sister, she's just my friend." Magaang kwento ng anak.

Wala sa isip niya ang makinig dito ng maayos dahil maraming gumugulo sa kanyang isip. Hindi nga niya napansin na kinakausap pala siya ni Ethan.Hindi mawala-wala sa kanyang utak ang mukha ni Virgil, ang mga nangyari at mga nakita niya.

Kung totoo ang mga sinabi ng Tita Siony niya noong nakaraang araw ay parang ang layo naman sa mga nangyayari. Nang ipakita niya ang video dito ay hindi ito nagulat o nagtaka. Nung bigla itong umalis ay sinabi ni Sinoy na maaaring napapangunahan lang ito ng takot. Pero hindi eh. Masama kung makatingin sa kanya si Virgil sa una pa lang nilang pagkakakilala, hindi niya yun ipagkakaila.

Kung iisipin talagang maigi, masama man itong makatingin, hindi naman niya ito nakikitaan ng galit, na-realized niya na nakikitaan niya ito ng pagkasabik at lungkot. Maaaring nagawan siya nito ng masama sa grocery store at oo, natakot siya, pero sino ang makakapagsabi na yun nga ang pakay nito?

Naguguluhan siya. Hindi naman siguro ikagagalit ng Mama niya kung tatanggapin niya si Virgil bilang kapatid. Mukha nmaan itong mabait at sa nakita niya sa mga records nila, puro ito good job.Hindi rin naman siguro ipagkakaila ng Mama niya kay Virgil ang Papa niya. Papayag naman siguro ang Mama niya na kilalanin ito bilang isang miyembro ng pamilya.

"Moooooommmm!!!" Malakas na sigaw ni Ethan na ikinagulat niya. Hinaplos pa nito ang pisngi niya paakyat sa kanyang noo. Nagtaka siya "Are you okay, Mommy? Are you feeling sick? Are you thinking about Daddy again?" Tanong ng anak. Napatitig siya dito makikita ang pag-aalala nito sa munting mga mata. Ngumiti siya at umiling.

Kahit gaano pa kahirap ng sitwasyon, hindi niya inililihim yun sa anak, maliban na lang kung maselan talaga na dahilan at alam niyang hindi dapat pang malaman ng bata. Kung itong iniisip niya ngayon ang itinatanong nito, wala siyang plano na sabihin dito. Pero hindi ibig sabihin na mag-umpisang maglihim sa anak ngayon. Si Ethan na lang ang meron siya.

"No. I mean yes, I am thinking of your daddy all the time but it is not him I am thinking of right now, baby." Panimula niya. Nangunot ang mumunting kilay ng bata. Mukhang naguguluhan ito o di naman kaya ay nalilito. Pareho lang yun, Brielle! Singhal niya sa sarili.

"What I mean is, I am thinking of one of our office mates, Virgil. I mean, your Tito Virgil." Pilit niyang pinagagaan ang kwentuhan nilang mag-ina habang naghahanda ito ng para sa kanilang field trip, kailangan maaga silang aalis para makaabot ito sa 8:00 am na pag-alis ng shuttle bus ng school.

"What about him, Mommy? Is he really my Uncle? Is he really your brother?" Nangingislap ang mga mata nitong tanong sa kanya. Hindi naman gaanong excited ang anak niyang malaman din kung Uncle nga niya ito o hindi. Napakatalinong bata. Naisip niya.

"I don't know yet, baby. That's what we are trying to figure out. But if he is, I will accept him. I have wanted a brother since I was a little girl, and he is somewhat older than me, he could be my Kuya, then there's your Ate Ella, isn't it nice? I am not an only child anymore." Para siyang nangangarap. Hindi niya alam pero magaan sa dibdib niyang isipin na maaaring kapatid nga niya si Virgil. For the first time in almost seven years of her sad and somewhat miserable life ay gumaan ang pakiramdam niya.

Since You've Been GoneWhere stories live. Discover now