SYBG 4

1.9K 117 79
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Brielle and Ethan"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






"LOLA Grams, what does my Daddy look like?" Tanong ni Ethan sa kanyang Lola habang kumakain ng kanyang cake. Nagulat naman si Amanda dahil sa tanong na iyon. Sasagutin ba niya?

"Did your mommy say anything about your Daddy?" Malungkot na umiling ang bata. Nakaramdam ng biglang pagkaawa si Amanda sa apo pero hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito at saan siya mag-uumpisa. "Why don't we wait for Mommy to be ready to answer that question. For now, eat your cake. We'll have some games later." Sabi na lang niya. Mapaklang ngiti lamang ang ibinigay ng apo sa kanya.

Naiinis na siya sa anak niya, dapat kasi noon pa nito nasabi sa bata noong una itong nagtanong tungkol kay Siege. Pero mas pinili nitong magpakaduwag at magtago sa sakit at lungkot.

"Anong nangyari diyan? Bakit nakasimangot yan?" Tanong ng asawa sa kanya. Hinaplos ang ulo ng apo bago lumapit sa kanya at gawaran siya ng halik sa pisngi.

"Nagtatanong tungkol sa ama niya." Pataray niyang sagot. "Ewan ko ba diyan sa anak mo, David. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa apo mo. Ayaw kong pangunahan si Marielle na magkwento sa anak niya tungkol sa ama." Malungkot na pahayag ni Amanda sa asawa. Hinaplos lang ni David ang balikat na asawa dahil hindi rin nito alam kung ano ang gagawin.

Pinagmasdan na lamang nila ang malungkot ng mukha mukha ng apo na pinarisan din ito ng malungkot ng mga mata. Nakapatong sa maliit braso nito ang ulo na parang pagod na pagod na sa buhay. Bumunot ito ng malalim na hininga na parang malaking mama.

Titig na titig si David at Amanda sa apo, awang-awa. Napapailing na lang ang mga sila dahil dahil para itong isang malaking tao na napakalaki ng problema, eh anim na taon pa lang ito. Napatingin sila sa bukana ng likuran na bahay, sa sliding door na nakabukas ay nakatayo ang anak na si Brielle.

"Ma, pwede po bang paki-asikaso na lang po ng iba pang mga bisita? May tawag lang ako sa phone na hindi ko pwedeng ipagpabukas." Narinig nilang sabi ni Brielle. Nasa backyard sila ngayon, dito nila naisipang i-celebrate ang 6th birthday party ni Ethan.

"Mas importante pa ba yan kesa dito sa anak mong kanina pa nakasimangot?!" Mataray na sagot ni Amanda sa anak.

"Amanda, wag ngayon." Paalala ng nalulungkot din na ama.

"Heh! Magtigil kayong mag-ama!" Singhal niyang di naman kalakasan. "Diyos ko naman, Brianna Marielle, birthday na birthday ng anak mo, pero ayan ka at puro pa rin trabaho?! Nakaligtas ka nga sa aksidente at nabuhay, pero parang pinapatay mo naman ang sarili mo diyan sa trabaho mo!" Napataas na ang boses ni Amanda.

Mabuti na lang at hindi naiintindihan ng ibang mga bisita ang kanyang salita dahil kung hindi english ang salita ng mga ito ay nihonggo naman yung iba, kaya okay lang umalsa ang boses niya. Napatingin tuloy ang apo niya sa kanya at sa ina.

"Ma, please. Not now." Matipid at magalang naman na sabi ni Brielle sa ina nang makita ang malungkot na mukha ng anak.

"Wag mo akong mai-not-now-not-now at baka mahampas kita nitong sandok na hawak ko! Harapin mo itong anak mo. Sumasakit ang dibdib ko dahil sa mga tanong niya. Panahon na para mag-umpisa ka nang magkwento ng tungkol sa ama at kapatid niya para hindi naman mukhang tanga ang batang ito!" Padabog niyang sabi sa anak. Lumamlam ang tingin ni David sa apong bumalik sa pagtungko.

Since You've Been GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon