SYBG 36

1.5K 115 258
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Hibang No-more"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





BAGO pa magtagal at humaba ang usapan, kinailangang putulin muna ni Virgil ang kwentuhan dahil lumalalim na talaga ang gabi. Mas matatagalan pa sila kung ganito ang gagawin nila. Pinababalik na ni Siege ang mga kaibigan sa saksayang gamit ngunit nagpilit ang mga ito na sa van na rin sumakay.

Walang nagawa si siege at Virgil kundi pagbigyan ang mga ito. Kaya ang nangyari ay napuno ang van. Sumunod na lang si Cesar at ang isang nitong kasama sa kanila. Nakaalalay kay Virgil.

"Just let me know kung pagod ka na, Bayaw." Sabi ni Siege na lumipat sa may Bandang binata. Nakipagpalit ito sa pwesto ni Brielle.

"You got it." Simpleng sagot ni Virgil.

Kahit likod lang ng ulo ni Siege ang nakikita ay titig na titig lang si Ryelee sa kaibigang mukhang masayang kasama ang asawa nito. Napangiti siya at naiiling. Naalala niya kung gaano siya kahibang dito noon.

Flashback * * * *

"I need to go back to the Philippines! Hahanapin ko si Brianna!" Sigaw ni Timothy.

Nataranta si Ryelee dahil walang ibang tao sa bahay maliban sa kanya dahil dinala ng mag-asawang Scott si Brynn sa pedia nito para sa kanyang regular check up at immunization. Wala rin si Dean noon dahil may kliyente itong ka-meeting.

"Siege, please. Calm down. Brianna is dead. Okay. She's dead. Ako ang nandito ngayon." Malunay niyang sabi pero parang hindi naririnig ni Timothy ang sinasabi niya. Patuloy ito sa pagpupumiglas. Kung hindi pa lang ito mahina pa dahil sa kagigising lang nito sa coma ay baka tumalsik na siya dahil natural na malakas ito.

"Don't call me that! You are not Brielle! You have no right to call me by that name! You are not Brielle. You are not my wife. You are not her." Paulit-ulit na sinasabi yun ni Timothy sa pagitan ng paghikbi at iyak.

"Okay, I won't call you that, but please, Tim, She's not here anymore, I am. I will be here for you. I will take care of you. I will love you." Mabilis na tumingin si Timothy sa kanya. Tanda niya yun.

Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Nakakatakot na uri ng tingin pero pinilit niyang magpakatatag. "Tim, please. Just let me take care of you. You don't need anybody now, I am here." Malumanay niyang sabi. Sasamantalahin na niya na wala dito ang mga magulang ni Siege para masabi niya dito ang gusto ng puso niya. It is now or never.

"I don't want you! I want my wife, my kids! I want them!" Umiiyak na sigaw ni Timothy. "I want my family! I want my wife! I want my kids! They're all I need!" Para itong batang umiiyak.

Hindi niya na alam ang gagawin. Nasasaktan siya sa mga sinasabi nito. Gusto niya itong sigawan. Gustong niyang isaksak sa utak nito na patay na ang minamahal na asawa. Na iniwan na siya nito. Na wala na ito at siya ang nandito. Siya ang nasa harapan nito. Hindi yung patay na.

She made a drastic move na hindi niya na nakalimutan simula noon. Iniharap niya ito sa kanya at mabilis na siniil ng halik sa labi ni Timothy. Malalim. Mapusok. Alam niyang natigilan si Siege sa kanyang ginawa kaya hindi ito nakahuma kaagad at yun ang sinamantala ni Ryelee.

Since You've Been GoneWhere stories live. Discover now