Last Chapter: The Downfall

Start from the beginning
                                    

"Ha?" Tanong ni Charice.

"Kasama kasi sa laman ng chip 'yung bank details pati identification number." Ru replied.

Pumasok na ang iba pang secret agent at napatingin pa ang lahat nang biglang tumunog ang cellphone ni Luis kaya naman hinugot niya ito.

"Sir, we must go." Paalam ni Luis sa lalaking nasa driver's seat.

"Bakit? May nangyari ba? Sila Mark wala pa dito e?" Takot na tanong ni Charice ngunit umiling si Luis.

"Darlly helped me to sneaked out today when she overheard my conversation with Jade earlier. I just received a text from her na tapos na raw ang meeting nila Mr. Meso." He replied. "Nakasakay na sa iba sila Mark."

It was when the driver was about to start the engine when Ru suddenly got out of the van.

"Ru!!!" Sigaw na tawag ni Charice ngunit nakatakbo na ito palabas. 

Wala naman silang nagawa kun'di panoorin kung saan siya pupunta habang sila Luis ay sinundan siya palabas.

Ngunit, ang inaasahan niyang tao na kanyang hahabulin ay wala na. Wala na siyang naabutan.

Agad siyang kinaladkad pabalik sa loob ng van nina Luis kasama ang ilan pang agent.

"You should knock it off. Get a grip of yourself." Matabang na sambit ni Jay nang makapasok ulit si Ru. "We already lose. She accepts it. You must as well."

"No...we can still do something---"

"Do you know why the outbreak happened this early?" Luis asked. "Dahil, para manalo na sila agad. Para matapos na 'yung laban. Alam nila na bata lang 'yung kalaban nila kaya alam nila na ibibigay sa kanila 'yung gusto nila kapag pinaharapan nila 'yung mga tao na nakapaligid kay Jade.

"Kaya...

...tapos na."

----

JADE MELLONTIKOS MANTIS'

Point of View

"Ikaw at ang pamilya mo o ang buong mundo? Alam na alam mo naman kung ano at sino ang maaapektuhan sa magiging desisyon mo."

"Rev, ipapaalala ko lang sa'yo na kahit ang project na binigay lang sa'yo at ang blueprint ang isuko mo sa amin. Pagkatapos, wala na kaming paki sa'yo pati diyan sa Diyos na pinagmamalaki mo. Saka, wala rin namang nagawa 'yang Diyos mo sa pagligtas sa'yo ngayon 'di ba? Asan ang Diyos mo?"

"Traydor, manggagamit, walang kwenta at mang-mang. Sabihin mo na ang gusto mong ibato sa pangalan ko. 'Wag mo lang idamay ang Diyos ko. You are asking me if what I want right? Then I'll choose now."

"I WILL CHOOSE, WILLIAM!! AND I CHOOSE MY FAMILY!"

Mabilis akong nagising sa malakas na tunog ng kadena mula sa pinto na nasa harap ng kamang bakal na hinihigaan ko. Nasa loob ako ng kwartong hugis kahon ngunit ang bawat haligi ay salamin kung kaya'y nakikita ko ang nangyayari sa labas kung nasaan ang mga tao. Nakapwesto ang silid ko sa pinakagitna ng palapag na ito. 

Para kaming nasa laboratoryo. Kalat ang mga taong nakaputing labcoat sa paligid habang abala sa iba't ibang trabaho.

Ramdam ko ang basa sa mukha ko. Hindi lang ako sigurado kung pawis ba o luha. Hindi ko naman mapunasan dahil nakakadena pa rin ang mga kamay ko sa higaan na 'to. 

Agad napadako ang tingin ko sa kapapasok lang na doktor at bahagya pa akong nagulat dahil 'di ko inaasahan ang bitbit niyang tray ng pagkain. Hindi naman siya ang naghahatid ng pagkain sa'kin mula kahapon.

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now