Chapter 16

284 12 0
                                    

JADE MELLONTIKOS MANTIS'

Point of View

A solemn hue across the morning sky seems invigorating despite the drizzle rain

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A solemn hue across the morning sky seems invigorating despite the drizzle rain. The sun must be too tired to show up this early so it only lit up the scene. Or it might be depressed. Poor sun.

It's the 5th day of the week which we're scheduled to do our laundry at 7am. But since I got up early, around 6am, I decided to do it ahead of them. Bukas na rin ang laundry room na nasa unang palapag ng dormitory namin.

Nang marinig ko na ang pagtahimik ng dryer ay kinuha ko na ang mga damit ko at nilagay na ito sa basket bago isa-isang nilagay sa hanger. Nang matapos ay bumalik na rin ako sa kwarto namin upang isabit na lang ito sa loob ng banyo namin saka sila binlower para matuyo nang tuluyan. Mabilis lang din naman kaya matapos kong gawin ang mga 'yun ay tinupi ko na rin at nilagay na sa closet. Nagising na rin 'yung ka-roommate ko at dumeretso agad siya sa banyo.

"Darating 'yung isang roommate natin mamayang 9am." Sabi niya habang nagtutoothbrush siya sa may pinto ng banyo. Tumango na lang ako dahil wala naman din akong pakialam tungkol do'n.

"Internet celebrity siya, feeling ko kilala mo, pero sinasabi ko sa'yo...kung fan ka niya, itigil mo na dahil sobrang pangit ng ugali ng bruha na 'yon. Two-faced b**ch ang tawag ng iba sa kanya pero sobrang agree naman ako dahil matagal na kaming magka-roommate at sobrang---p*t*ng-in* niya----"

"Language." Sabi ko rito. "Watch your language."

"---pfft---Sorry hahaha----I mean 'yung point ko, 'wag mo na lang siyang---" 

"You're not done yet?" Tanong ko saka ako tumayo bitbit ang tuwalya ko at ang damit ko. "Maliligo na kasi ako. 7:46 na nga pala." Sabi ko rito at bahagya pang nanlaki ang mga mata niya bago ito bumalik sa loob ng banyo habang nagmumura. Late na kasi siya sa laundry.

Nang makalabas na siya sa banyo ay agad na rin akong pumasok sa loob saka naligo na. Hindi na rin ako nag-atubiling magtungo sa cafeteria upang mag-agahan matapos kong magsuot ng uniporme at maayos ang sarili ko. Actually, 2pm pa ang klase ko sa araw na 'to. Pero napagpasyahan ko na i-track ngayon ang location na lumabas galing sa QR code na iniscan ko kagabi. 

Kahit wala pa rin akong ideya sa kung ano ang matatagpuan ko ay hinayaan ko na lamang na sundin ang itinuturo nito. Nakadalawang sakay ako ng van bago matunton ang laboratory ng campus. The Electrical Science and Technology laboratory. 

Fortunately, malaya akong nakapasok sa entrance dahil pinaiwan lang ng guard ang ID, cellphone, at laptop na laman ng bag ko. Nasa bag ko pa rin naman ang hard drive ko kaya kung may kakaiba man silang gawin sa laptop ko ay wala silang makukuha. 

Tumatak naman na sa photographic memory ko ang eksaktong kwarto na pupuntahan upang mahanap ang kung anong kailangan kong makita.

I don't know but it looks strange that these scientists are having a hectic morning. Parang ngang hindi umabot sa kanila ang sariwang umaga. Aligaga ang ilan sa bawat kwarto at umuugong pa ang ingay mula sa iba't ibang bagay. Boses at tunog ng mga metal. Mga mabibigat at mabibilis na ritmo na nililikha ng kanilang mga sapatos. Ang pinagsama-samang amoy ng bakal, usok, at maging langis ay namumuo rito sa loob. Kaamoy ng laboratory ni Dad.

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara