Chapter 42

210 11 0
                                    

Marahas na tinulak si Cedrick sa loob ng hukay kung saan nakaabang ang pitong estudyante na makakasama niya.

Sunod na ginawa ng mga bantay ng GOE ay ang pagbuhos ng malamig na tubig galing sa mga batsa sa kanila bago nagsitawanan. Aliw na aliw sa ginawa.

Napahugot lang ng hininga ang mga estudyanteng nanonood kasama ang mga sari-saring emosyong nasa mukha nila. Takot. Pangamba. Awa. At pagkatuwa.

"D-did you call Jade?" Utal na tanong ni Ru kay Cedrick. Tumango naman siya.  Lahat sila'y giniginaw.

"Mamaya na 'yung execution..." Mahinang sambit ni Charice habang tulala itong nakaupo na medyo malayo sa kanila. Payat at namumutla ito. Tuyo na rin ang mga labi tulad lang din nila Jay at hinihingal pa.

Mariing napapikit si Ru bago ito napalunok.

"Ayoko pang mamatay..." Muling iyak ni Oliver na bukang-bibig niya na simula no'ng ikulong sila rito sa hukay.

Maliban kay Cedrick, ang mga itsura nila ngayon ay tila mga bangkay na dilat at humihinga. Matabang na tinapay lang ang hinuhulog sa kanila at isang litrong tubig ang pinaghahatian nila sa loob ng isang araw.

Napamura si Nicholas nang tumama sa kanyang ulo ang kahon ng inumin na tinapon ng isang estudyante sa itaas nila. Minsan na namang nagpigil na gumanti at mambato pabalik nang makita niya ang bantay na nakatingin sa kanya.

Gan'to lagi ang sitwasyon dito sa baba. Kung hindi basura ang tinatapon sa kanila ay bato mismo.

"Ano raw balita sa labas?" Tanong ni Jay. Mabigat na ang talukap ng mga mata niya kaya papikit-pikit na ito habang nakatingin kay Cedrick.

"Sa loob ng GOE, mahigit 20 percent na ang mga nabakunahan. Sa labas...apat na porsyento pa lang." Sagot nito.

"Si Jade?...k-k-kumusta?" Tanong ni Charice na kahit matamlay ang boses ay may tunog pa rin ng pag-aalala.

"Hindi ko alam...pero, nung sinabi ko 'yung nangyari dito, pupuntahan niya raw tayo." Sagot ni Cedrick. Ang tanging tugon naman ng kausap ay makapal na hagulgol.

Marahang tinapik naman siya sa balikat ni Nicholas na ang pinakamalapit sa pwesto niya.

"Pero sinabi ko na...na 'wag niyang gawin 'yun..." Dugtong niya.

Tahimik ang lahat habang tumatakbo ang oras patungo sa inaasahan nilang pangyayari sa araw na 'to. Nang minsang hagisan sila ng nagyeyelong tubig, tila 'di na ininda ng lahat dahil ito na rin ang huling pagkakataon.

Gamit ang lubid ay hinila sila isa-isa ng mga bantay at saka sila dinala sa labas ng ospital kung saan nakaayos na ang mga higaan nila.

Ang mga awtoridad na naka labcoat ay nakaabang na rin sa labas ng pinto ng ospital. Kasama ro'n sina Dr. Smile at ang anak niya.

Sandaling tahimik at mataman nilang pinanood ang mga mukha ng mga kadarating lang habang may kung ano'ng naglalaro sa isip.

Nilakbay ng mga mata ni Smile ang bawat emosyon ng kanyang kaklase. Ang reaksyon na iginagawad ng kanyang mukha ay mahirap basahin habang ginagawa ito, pero ang sigurado ay wala'ng simpatya.

"Did they sin?" Tanong ni Smile habang blangkong pinapanood ang mga kaklase niyang ginagapos na sa mga hospital beds. Napalingon naman sa kanya si Dr. Morales.

"They're the sinner's follower. Therefore, they sinned." Sagot na lang ng ama niya.

"Then, are we sinless?" Ang tanong ni Smile na ito ang nagpatigil sa kausap niya. Then, their eyes met.

"Dad, I should be there as well. I sinned." She said but her Dad gave her a puzzled look. "I lied to you. And to them." Tinuro niya ang mga alagad ng GOE. Sa dating pa ng pananalita niya ay tila hindi ito rebelasyon at simpleng sintemyento lang.

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now