Chapter 7

371 18 0
                                    

A week has gone by since the day I've decided my entry to Holy City University of NGS. 

I already started this day with a cup of tea while reading this psychological book, recommended by my therapist. Doing this routinely is quite effective to have a healthy mind. I already did my morning jog and exercises. Well, it'll be a very productive day for me. Papunta na kasi ako sa Pampanga.

Sakop pa rin ng UGS ang Pampanga pero sobrang lapit lang kasi ng NGS doon. Dating Bulacan ang NGS at kinalauna'y nasakop na rin pati ang Nueva Ecija. Ang alam ko, kun'di nila binili ang mga lupa ay kusang isinuko ng mga tao o kaya nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng NGS at ang mga mayayaman na land owners. May usap-usapan nga na baka makuha na rin ang Pampanga at Bataan pero nagkaroon na ng mahigpit na pagbabantay sa mga borders. Hindi rin matibay ang security system ng dalawang panig kaya labas-pasok pa rin ako. Madali lang kasing ma-hack e.

To be honest, I don't have any idea how the founders of NGS subjugated the citizens of Bulacan 10 years ago. Pinagtatakahan ko pa ay 'yung katahimikan ng UGS dahil wala silang ginawang depensa o naganap na giyera. Pero ang narinig ko ngang usap-usapan ay may nangyaring bayaran. Sa administrasyon kasi ni Linagan nagkaroon ng economic crisis, nagkaroon ng patong-patong na utang sa World Bank. I haven't verified it yet dahil 'di naman ako interesado sa national affairs noon kahit ngayon. Wala rin naman akong magagawa kung malalaman ko kung ano ba talaga ang totoo.

Pero ayon, in a nutshell, binenta lang tayo.

Hindi na ako nagsuot ng mga pang-disguise at lantaran ko nang ipinapakita ang mukha ko upang maiwasan ang paghihinala ng mga tao. Sobrang init din kaya nagsuot na lamang ako ng t-shirt na puti at capri pants na beige. Naglugay na rin ako ng buhok at bahagya kong pinlantsahan ang dulo ng buhok ko na medyo kulot kulot.

Nang makita ko na ang arko ng barangay ay agad ko nang ipinasok ang motor ko dito. Saka ako huminto at tinanggal ang helmet ko bago itinabi sa gilid ang motor ko. 

The stench coming from nowhere is not foreign in my senses anymore. The unsightly unfinished infrastructures and the scattered junks are making this area look a dreary place. But, it's not. Hearing their overjoyed laughters and how the children play games with delighted faces, it's like they already conquered the edge of their lives. They're more contented than those aristocrats who run the society. Their smiles are genuine. It's like, they're the blessed ones even though they own nothing.

"Ate!!!!!!!" There. I finally heard her voice. It's been a month since the last time I saw her.

"Zai-zai!" Balik na tawag ko dito at sinalubungan niya naman ako ng mahigpit na yakap sa kaliwang binti ko. Ang liit niya pa rin at ang dungis pa rin.

"Ate Jay!!!!!!" Tawag pa ni Biboy na kahit mukhang nangayayat ay mataba pa rin. Siya naman ang yumakap sa kanang binti ko.

"Uy Biboy! Mabigat ka pa rin, kaya baba na." Suway ko dito ngunit kumapit ito nang mahigpit sa binti ko na ikinangiwi ko.

Sinabayan din siya ni Zai na kumapit naman sa kaliwang binti ko.

"Ate Jay-jay!!!!" Napalingon ako sa mga batang sabay-sabay na binanggit ang pangalan ko.

Patay, riot 'to.

Inaya ko na ang mga batang 'to sa lugar na lagi naming pinagtatambayan tuwing bumibisita ako sa kanila. Nakilala ko lang sila zai-zai nang makita ko silang nangangalakal ng basura sa may plaza. 

"Ate! Tin-nan mo 'yung leeg ko! May necklace na!" Sabi ni Biboy kahit punong-puno ng pansit ang bunganga niya at hawak pa sa kaliwang kamay ang pirasong pandesal. Tinuro niya gamit ang kanang kamay ang namumuong libag sa leeg nito.

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now