Chapter 9

261 15 0
                                    

Nakakailang beses na akong nakapag mura sa hangin dahil sa mga nakasulat o nilalaman ng ilang articles ng news online saka ang ibang mga editorial lang.

Ngayon lang kasi ako ulit nakapasok sa personal kong account sa mga social media. Wala naman talaga akong balak na magsayang ng oras dito pero naintriga ako sa huling sinabi sa'kin kahapon ng journalist na 'yon. Nakatitiyak ako na may relasyon ang propesyon niya sa kung anong tulong na sinasabi niya. At nalinawan na rin ako sa motibo niya. Ginamit nga niya ako sa mga article niya.

Kanina ko pa kasi nababasa ang mga nagkalat na usapin tungkol sa akin.

Pero bukod sa mga articles na nagkalat ay 'yung mga pangalan ng ilang facebook page ang nakatawag sa'king atensyon: TECH GEEK WARRIORS, Geek behind the BLACK, Black Bomb, Silent Killer, at GEEKIANS.

'Yung Black Bomb at Silent Killer na pinapakalat na sa ako raw ang isa sa  mga tauhan ng ilang organisasyong terorista at mga kawatan.  Gusto ko na lamang ipagsa walang bahala ngunit mas nagulat ako na ang mga litratong ipinakita sa akin ni Tuazon na isang journalist ay may kopya dito sa site na ito.

Judgment leads us to believe what is true. Behind the black there's white.

#WhiteBehindTechGeek

That's the caption of my picture that shows a scene that I'm with Hannah at bitbit ko pa ang kuting. At 'yung admin o 'yung nag upload ay galing sa page ng Geekians.

Anong kakornihan 'to?

"Pakitang tao lang naman iyan after niyang pumatay😤😤" mukhang huli sa balita itong nag comment na ito. She might not know about the incident. Alam ko kasi nacomatose lang si Chief at hindi namatay. Magkokomento na nga lang mali-mali pa.

"HAHAHA LT ka ate gurl! Coma lang yun hindi namatay! Ikaw ha pinapatay mo agad si Chief! Sa balita kasi kumalap ng impormasyon at hindi chismis sa kanto!" Reply naman sa comment na iyon ng isang lalaki. What is LT?

(A/N: Laugh Trip Jade :>)

"Hahahaha oo nga. Basa muna bago comment. Nakakahiya ikaw panaman ang unang nagcomment😂" reply ng isa pa. 68 ang nagreply sa kanya at puro panlalait sa kanya. 

'Di ko na lamang binasa ang ilan pang nagreply at binasa ko na lang ang ilan pang nag comment sa facebook post na ito.

"Sure ba kayong si Tech Geek iyan?" Tanong ng isang netizen na babae kaya naman binasa ko ang reply sa comment na ito.

"Oo bh3. Watch u sa yt yung balita nung nacorner siya nung mga pulis. May pic sya na close up😊." Reply ng babae. At ang hirap intindihin kasi an'daming web jargons.

"Yep, look at her outfit. 'Em sure nagdidisguise ulit siya. From black to white. At yung pic niya sa ANews sa Channel 44💖😊." Tsss masyado bang obvious ang theme ng outfit ko? Mag rainbow na lang kaya ako. 

"News update pls? Nuod nuod rin balita para di tanong ng tanong." Reply naman ng isang lalaki. Sabagay, 'di naman sila magtatanong ng ganyan kung nanonood sila ng balita.

Dahil marami ring nagreply sa comment na iyon ay minabuti kong magbasa na lang muli ng ilang comments.

"Sabi na e huhu! Sana ako na lang yung bata!😭😭" Ito naman ay reply ng isang babae. I don't understand. Dahil maraming nagreply sa kanya ay binasa ko muna 'yung iba pang comments.

"Kyaaah! Andiyan kami kahapon!" 

"I really like her huhu😭 sana magpakilala na siya sa publiko!" Kung magpapakilala ako e'di nakulong na ako. 

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now