CHAPTER 24

269 11 0
                                    

JADE MELLONTIKOS MANTIS'
Point of View

I've been ignoring the dramatic tune of anxiety as it tries to kick in while I'm leading my own way to the university. Gusto ko pang sisihin ang sarili nang maalala na hindi ko dala ang sinadya naming kunin sa lab nang dahil sa nangyari. Hindi ko na nagawang balikan. Ang unang bagay lang na pumasok sa isip ko ay 'yung umalis sa lugar na 'yun. May ibang araw pa naman sigurong ibibigay sa'kin para mabalikan ang mga 'yun.

I'm fully aware how my muscles tremble because of rage and deep displeasure towards this useless body. If I'm not this unhealthy, I can definitely defend Ru from that guy. But, it's William. I'm not scared of him. But the wrath lingering in me is too destructive to handle by this weak mind. Hindi ko malilimutan 'yung hindi makataong ideya na pumasok sa isipan ko kanina. Kung hindi lang sumigaw si Ru, baka napatay ko na ang hayop na William na 'yun. At baka sinugod ko pa ang kuta ng pangulo. 

Hindi ko na alam. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang pigilan 'yung sarili ko mula sa namumuong galit sa loob ko. Ang sigurado lang ako ay 'yung hindi ito dahil sa pinagdaanan ko. At hindi ito nawala simula nang makita ko ang ginawang pagsampal ng put***-in*** si Willam kay Ru. Kung hindi niya lang talaga ako pinaalis ay baka natikman ko na ang dugo ng demonyong 'yon. Mga alipin ng diyablo. 

Kanina ko pa na kinukumbinsi rin ang sarili na kaya na ni Ru ang sarili niya. Matalino siya. Alam kong kaya ng utak niya na lumusot sa kanila. At sigurado ako na gusto niyang ituloy lang namin ang plano namin. 

Iniwan ko na ang motorsiklo sa parking space matapos i-hack ang lahat ng systems. Dumeretso na ako agad sa lagusan na ginamit namin kanina pero labis kong ikinataka nang makita itong sarado na. Tinapat ko pa ang ilaw ng relo ko rito at saka ko nakita ang bagong lagay na simento sa butas. 

May ahas nga na kumagat sa'min. 

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na nilisan ang lugar na 'yun bago pa may makakita sa'kin. Sinimulan ko nang libutin ang bawat pader ng unibersidad. May ilang mga puno rin naman sa paligid kaya madali lang magtago. Dahil malaki ang unibersidad, inabot pa ako ng kalahating oras sa paghahanap ng potensyal na lagusan o maaakyatan. I even estimated the exact location behind these walls.

Malabo na ang liwanag na binibigay ng mga ilaw sa daan kaya ginamit ko na ang cellphone ko upang mailawan ang dinadaanan ko. Walang kahit anong sasakyan ang dumadaan sa kalsada kaya ang aking magagaang yapak lamang ang naririnig ko kanina pa. Pero agad na binagalan ko ang paglalakad ko nang marinig ang tunog ng mga tuyong dahon na parang hinahawi ito ng kamay ng kung sino.

I didn't sensed danger kaya kinutuban ako kung sino ang taong ito. Posibleng siya.

Dahan-dahan kong sinilip at pinanood ang ginagawa niya. Nang maaninag ang mukha, napangisi na lang ako. Tama ako. Siya nga. Well, siya lang din naman ang may kakayahan na magkaroon ng sariling lagusan palabas. Kahit na hindi gano'n kaliwanag ay nakasisigurado akong siya ito. 

"Sh*+." Rinig kong mura niya nang sumabit ang damit niya sa bato na nilulusutan niya. Apparently, hollowblocks ang pinapantakip sa butas na nasa ilalim ng sahig. Kailangan pang tanggalin ang bato sa sahig at matakpan ng mga lupa at dahon para hindi makita ang butas.

Hinintay ko pa na maisara niya nang tuluyan at naghintay ng panibagong ilang mga minuto bago ginaya ang ginawa niya. Nang matakpan ay napagtanto ko na hindi nga halata na may butas dito nang dahil sa hugis ng mga simentong bato at hollowblocks. Nahaharangan pa ng dalawang malalaking puno ng acacia sa harap.

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now