Chapter 14

270 15 0
                                    

BREAKING NEWS: The citizens of the 5 regions of Mindanao were deliberate to submit to be the South Non-Government Society after the revolutionaries carried out coup d'etat and overthrew the standing government.


The awful smell of tear gas which is rapidly travelling along with the forceful blew of the wind will never be so unfamiliar whenever a revolutionary coup is happening. The odor is sickening. This certain sensation will definitely haunt you and cannot be forgotten easily. Plus, the chaotic repulse of the civilians against the armed forces.

"Staged, once again." Sambit ni Tristan na isang agent habang pailing-iling sabay pa na palakpak nito habang nakatutok sila sa live report na nasa telebisyon. Tila ba'y isang malikhaing teatro ang kanyang pinapanood.

"Parang mga t*nga, 'di pa dinamay 'yung Davao. Kultura nga naman ng pinoy." Litanya naman ni Pablo na kapwa niya rin agent. Kasalukuyan silang nasa loob ng headquarters at nagsasalu-salo sa isang hapag-kainan upang mananghalian. Lima lamang silang magkakasama ngayon. 

"Kukunin din nila 'yan. Dito nga sa Norte pati Bataan pala nakuha na. Coup d'etat, coup d'etat pang nalalaman. 'Di na lang sabihin na hinayaan ng rehime para kaunti na lang 'yung responsibillidad habang malaki pa rin ang sinasahod." Sagot naman ni Tristan. 

"Pareho na pareho, 10 years ago. Sabi sa'yo dapat 'di mo binoto 'yang pangulo na 'yan e." Singit ni Psalm habang nginunuya ang pagkain nito.

"G*g*, gan'yan pa rin naman 'yung mangyayari kahit sino pa iboto natin. Magaling sa negosasyon 'yung kalaban. Pera kasi ang pinanggagapos at pinapakain sa kausap." Sagot ni Tristan habang umiiling-iling pa na sinang-ayunan naman din agad ni Psalm.

"Kaya dapat galingan nila Luis sa loob. Imposible na malinis 'yung perang ginagamit nila para sa mga tao." Sabi ni Pablo bago ito uminom ng tubig.

-----

Location: Somewhere in Sias Island, Sulu province of the Philippines. 

"'Yung sa district 1 hanggang 10, mga anak ng officials sa military troupe at 'yung criminal troupe."

"Ibahin na natin 'yung mga nanlilimos sa mga districts. Ang baba ng pera na nakukuha natin."

"Kung iibahin, may ipapalit ka ba?"

"Dagdag natin sa military troupe----"

"Hindi. Basta pulubi pa rin sila."

Diskusyon ng dalawang tao patungkol sa mga batang lalaki na kanilang nalikom sa NGS.

Ang military troupe ay binubuo ng mga batang lalaki na anak ng mga opisyales na assigned upang tumulong sa mga sundalo ng NGS. Sila ang nagta-trabaho sa loob ng mga cottages o tinutuluyan na bahay ng mga militar upang maglinis, maglaba, magluto o maging utusan. Habang ang criminal troupe ay binubuo naman ng mga batang lalaki na galing sa mga ordinaryong pamilya lang na naatasan naman para magtrabaho sa iba't ibang kaparaanan; pagnanakaw at kung ano pang maruming gawain. Kasama nila ang nadagdag na grupo na mga bata na nakakalat naman sa UGS para manglimos, ang commoner troupe.

Hindi na kumana ang militar na naka assign sa district 5 sa kausap nito at napatingin na lamang sa mga batang binabantayan nilang nanlilimos sa daan.

"Hindi pala talaga sapat ang mga pera na nakukuha ng hackers sa mga bank accounts sa ibang bansa." Panimula nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga bata. "Pati 'yung contribusyon ng mga oligarchs."

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon