Chapter 10

263 13 0
                                    


JADE MELLONTIKOS MANTIS'

Point of View

When Woody Allen quoted, "I don't know what I'm doing, but my incompetence has never stopped my enthusiasm", I'm feeling it at this certain moment

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

When Woody Allen quoted, "I don't know what I'm doing, but my incompetence has never stopped my enthusiasm", I'm feeling it at this certain moment. I haven't figured out what drives me to do this. I mean, I should've run away.

Now, I don't have a d*mn choice. I'm being surrounded. Kaya, todo takip ako sa mukha ko kahit suot ko pa rin ang salamin ko at ang face mask ko. Kanina ko pa pilit na ibinababa ang sumbrero ko na nasa ulo  ko para matakpan nang mabuti ang noo at pati ang mata ko.

Tandang-tanda ko pa na ang salamin ko 'yung unang tinanggal sa akin para mabulgar ang mata ko no'ng nacorner ako ng mga pulis. 

Inalis ko na ang tingin ko mula sa panonood sa dugo kong tumutulo na sa sahig saka bahagyang iniangat ang ulo ko. Pinagtagpo na naman ng tadhana ang buhay namin ng mga pulis at journalists. Sobrang ingay na ng pangalan ko nitong mga araw, hindi na maganda. Bakit ba kasi kung ano-ano ang nangyayaring insidente nitong mga nakaraang araw. 'Di na natahimik 'yung buhay ko.

Pilit kong iniinda ang sakit at hapdi ng sugat ko sa kaliwang binti at tagiliran ko na tinamaan ng baril ng dalawang lalaki na ngayo'y nahuli na ng mga pulis. Nasa police car na rin sila at pansamantalang ginagamot ang sugat na natamo nila sa nang dahil sa akin. Nabalik na ang mga poker chips at pera na ninakaw nila na nakasilid sa mga bag nila na bitbit kanina. 

Ang mga biktima ng hostage at sunog ay pansamantalang inilapit sa Medic ng Saint Gabriel kaya ako na lamang ang kasama ni Chief General na hindi miyembro ng Philippine National Police o BFP.

Nang tuluyan na talaga kaming nakalapit sa mga tao ay para ba kaming lalamunin ng buhay. Their faces have this eagerness na parang uhaw na uhaw sa kung ano para mabuhay sila. Mga reporters, camera men, at mga nakikiusyosong tao.

Although they're plenty enough to cause my eyes to feel sore, hindi nakatakas sa paningin ko ang lalaki na nagpakilalang journalist. 'Yung nagpupumilit na tumulong kahit wala naman akong pakialam sa buhay niya.

Agad nagsitakbuhan ang mga press nang makita nila kami na naglalakad palapit sa kanila. Para silang mga zombie. Hindi pa naman siguro zombie apocalypse, ano? Mabaho 'yung mga 'yun, ayaw kong maging zombie. Hanapin ko nga bukas kung may pampatay ng zombies si Dad sa lab. Baka may blueprint siya para sa kanila.

"Sino po ang mga suspek na 'yon?" Bungad na tanong ng isang reporter. Ang sikip na sa pwesto namin dahil nagdumugan ang mga reporter. 'Yung ilang pulis ay pinapalayo at hinahawi sila kaya medyo lumuluwag din. Mga tunog ng camera 'yung maririnig mo at mga bulong-bulong ng mga ito ang nangingibabaw.

"Kinikilalang sina Arnelo Crisostomo at Mike Quezon ang dalawang nakasibilyan at si Rodniel San Jose ang naka itim na sinasabing siya ang nangunguna sa kanila." Sagot ni Chief General Dela Cruz.

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now