SPECIAL CHAPTER: Mr. Right

6.5K 179 30
                                    

DONATO

"Dude, do you really like Raz? I mean, romantically?" tanong ni Edward sa kanya nang bumalik siya sa grupo ng mga ito.

Katabi nito si Marco na, tulad ni Edward, kababata niya sa San Bernardo. May kasama pang dalawang babae ang mga ito na hindi niya na matandaan ang mga pangalan kahit ilang beses na niyang nakakasalamuha.

Hindi talaga siya tandain sa pangalan. At madalas sa hindi ay nagiging sanhi iyon ng problema lalo na kapag pinagsasabay niya ang mga ka-fling. But for some reason he remembers her name perfectly though she only said it once.

Corazon. Her name means heart. The symbol of love.

"No." Yes. He's confused, what the fuck.

Ang tanging sigurado sa lamang sa kanya ay ngayon ay napukaw ni Corazon ang interes niya sa paraang hindi pa nagagawa ng ibang babae. Maybe it's because she's...very different. She wears men's clothing. Her face was bare with any cosmetics. Her hair was chopped and unruly. Ibang-iba sa mga babaeng madalas nakapalibot sa kanya sa Maynila.

She's not vain. Maybe she even doesn't care how she looks like. Not that she looks bad. Oh God, is she pretty. Napaliligiran siya ng mga magagandang babae sa Maynila na halos puro artista o modelo ngunit napatitig siya noong unang lumapat ang mga mata niya kay Corazon.

Bilugan ang may dark brown at medyo tsinitang mga mata, may maliit na ilong at manipis at kulay rosas na mga labi. Ang imahe ng isang anghel ang unang rumehistro sa kanyang isip habang pinagmamasdan ito. Until now, he has no idea why he's so drawn to her simple and innocent beauty. Basta, noong gabing iyon ng sagala, wala siyang ibang gusto kung hindi ang makasama at maka-usap ito kahit sandali.

"Are you sure? Eh, ilang araw mo nang kinukulit! Itinataboy ka na nga at mukhang naiinis na sa'yo," ani Marco na binuntutan pa ng nang-aasar na halakhak.

Tinanaw niya ang direksiyon ni Corazon. Naabutan niya ito'ng naka-sulyap din sa kanya ngunit upang irapan lamang siya. Tumalikod na ito, leaving him only with the sight of her small, curvy body and flawless, shapely legs. Naka-cycling shorts ito at maliit na t-shirt na humapit sa hubog ng magandang katawan.

Ilang araw niya na ito'ng naaabutan ditong nagpa-practice ng volleyball kasama ng teammates nito. Ilang araw na rin siya nitong sinusungitan kahit pa maka-ilang ulit na siyang humingi ng tawad sa kanyang ginawa noong Sagala.

Hindi niya naman ito gustong sindakin. Gaya nga ng sabi niya, gusto niya lang talaga ito'ng makasama at maka-usap. Ngunit pangit na ang naging impresyon niya rito dahil doon.

Fuck, is this really him? Nasaan ang totoong Donato Antonio Pangilinan? This is not fucking him. Hindi siya humihingi ng tawad sa kahit na sino. Hindi siya kailanman pinag-isip ng isang babae. But Corazon is making him do both! Seriously?

"Umamin ka na, pare. Gusto mo 'no?" patuloy sa pangbubuska sina Marco at Edward. Ang mga babaeng kasama ng dalawa ay tahimik lamang na pinakikinggan ang usapan nilang magka-kaibigan.

"What if I do, is there anything wrong with that?" itinaas niya ang dalawang kilay sa gawi ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit sa paraan ng pagtatanong ng dalawa ay isang malaking birong magustuhan niya si Corazon.

"First of all, she's lesbian," ani Edward na inilahad pa ang dalawang kamay.

Lesbian? He'd be damned. Panlalaki man ang suot ni Corazon ay taliwas iyon sa malambot at pino nitong kilos. Kaya nga noong unang kita niya rito ay agad niyang nakilala ito bilang babae. Not to mention her lithe body, candle-like fingers and soft curves. If Corazon is trying to act like a boy or a lesbian then she's failing miserably. Her clothes only emphasize how feminine she is.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now