CHAPTER 6

3.4K 134 30
                                    

CORAZON

Naki-kapit siya sa braso ni Miles kahit na pilit siyang pinagtutulakan ng mga ito kay Donny na mag-isa lang na nakasunod sa kanilang likod.

"Uy, nakakahiya naman kay Donny! Doon ka na nga! Samahan mo," inalis ni Miles ang kamay niya sa braso nito.

Bumitaw siya ngunit hindi niya sinunod ang nais nitong mangyari. Nagmatigas siya sa gilid nito, "Ayoko nga! Ikaw na lang do'n."

"Eh, ikaw nga ang gustong kasama!" natatawang bulong ni Myriah.

Inambaan niya ito ng hampas ngunit dahil nasa pagitan nila si Miles ay hindi siya makalapit. Nailing siya't bumalik sa kanyang puwesto. Wala siyang nararamdamang hiya o kahit pa guilt kay Donny. Ginusto nito iyan kaya hindi siya obligadong pansinin ito.

"Ano'ng una nating gagawin?" baritonong tinig ni Donny sa likod.

Si Miles ang pumihit upang lingunin ito, "Siguro doon muna sa Horror House." Tinuro nito ang Horror House na pinakamalapit sa kanila.

Wala siyang narinig na tugon kay Donny. Naglakad silang apat patungo roon. Hindi naman ganoon kahaba ang pila 'di tulad sa mga rides. Sinuyod niya ng tingin ang paligid. Ang mga ilaw na bumubuhay sa buong perya at ang ingay na nagmumula sa mga taong tuwang-tuwa habang nakasakay sa rides ang pumuno sa mga mata't tenga niya.

"Dala-dalawa lang po ang pasok!" anunsiyo ng nagbabantay doon.

Hihilahin na sana niya si Myriah ngunit maagap si Miles sa pagkapit sa braso nito. Mukhang hindi siya titigilan ng pang-aasar ng dalawa.

Napasinghap siya ng may biglang humila sa kanya mula sa likod. Matalim ang tinging ibinigay niya kay Donny. Binawi niya ang braso niyang hinila nito, "Ano ba?!"

"Sinabi na nga hindi ba? Dalawahan lang daw. Unless you don't know how to count?" pang-aasar nito.

Umirap siya't umiling. Humalukipkip siya habang inis na tinitignan sina Miles at Myriah na sumusulyap pa sa kanya para lang asarin at tawanan. Nag-ikot siya ng mga mata at inalis na lamang ang tingin sa mga ito.

"I thought you're not going to come," kausap ni Donny sa kanya.

Hindi niya alam kung manhid lang ba ito o hindi lang talaga halata sa kanya na ayaw niyang makipag-usap. Hindi niya ito kinibo. Pinaglaruan niya ang lupa na tingin niya'y mas nakakatuwa pang gawin kaysa ang kausapin ito.

Nanahimik din ito ngunit panandalian lang.

"Sinabi nina Marco sa'kin na volleyball varsity player ka sa school mo? That explains why you play so good. I'm sure your team is going to win tomorrow. Panonoorin kita."

Marahas niyang tiningala si Donny. "Mas maganda kung hindi na."

Umangat ang gilid ng labi nito. "Seriously, what do you want me to do just so you would forgive me? I'm willing to do anything kahit na hindi pa rin talaga malinaw sa'kin ngayon ang dahilan kung bakit naiinis ka sa'kin ng ganyan."

Pinigilan niyang mag-make face sa harapan nito. He's really so full of himself.

Gumalaw ang pila at kaunti na lang ay malapit na silang papasukin sa loob.

"Matatakutin ka ba? You can hold my hand if you want," nilahad nito sa kanya ang palad nito.

Kamuntikan siyang matawa, "Ako? Natatakot? Eh, simula pagkabata ko pa lang nagpe-perya na ako at pumapasok na ako diyan. Pinagtatawanan ko nga lang 'yung mga multo at halimaw diyan. Mas nakakatakot ka pa nga, eh," ibinulong na lamang niya ang huling pangungusap.

"What?"

"Ang sabi ko...guwapo ka sana, bungol ka lang," irap niya rito.

"Ano? Bungal? Excuse me, my teeth are complete."

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now