CHAPTER 35

4.8K 106 21
                                    

CORAZON

Kuryoso ang lolo't lola ni Donny sa maraming bagay tungkol sa kanilang dalawa. That's why they filled them in with all the stories and information they wanted to know. Kung paano sila unang nagtagpo, kung paanong unti-unti ay naging magkaibigan sila hanggang sa kung paanong mas lumalim ang relasyon nilang dalawa.

Kahit pa tapos na ang tanghalian ay natuloy naman ang kuwentuhan sa sala. Bukas ang glass sliding doors na nagpapakita ng malawak at magandang hardin at pool na may maliit na falls at tulay.

Tinanong din siya ng maraming bagay tungkol sa kanyang sarili. Trabaho, mga pinagkaka-abalahan at kung ano-ano pa. They seemed so interested. Ngunit 'di naman tulad ng iniisip niya kanina ang naging reaksiyon ng mga ito nang malaman na isa siyang public school teacher sa San Bernardo.

"That's a very honorable job, hija. Mas lalo mo ako'ng pinahanga," puri sa kanya ng lola ni Donny. There's a satisfied smile on Lola Feliciana's lips when she faced Donny's lolo. Tumango-tango ang huli.

Pinaalam siya ni Donny sa mga ito makalipas ng ilang sandali. Dinala siya ni Donny sa ikalawang palapag ng bahay patungo sa isang pasilyo. Binuksan nito ang isang pintuan papasok sa isang magandang kuwarto.

"Kuwarto mo?" tanong niya rito.

He nodded with a smile on his face. Napangisi siya. Bumitaw siya kay Donny para libutin ang kuwarto nito. It's so spacious and cozy. Madilim ang kulay ng dingding, kurtina maging ang unan at kobre-kama. Walang masyadong disenyo at muwebles.

Tumayo siya sa harap ng dingding kung saan nakapaskil ang maraming larawan. Pictures of buildings, structures, animals...all in black and white. Sumulyap siya kay Donny. Wala na ang denim jacket na suot at ang tanging natitira ay ang itim na v-neck t-shirt na humulma ng husto sa maganda nitong katawan.

His arms were crossed while staring intently at her. His eyes were darker because of the dimmed lighting inside the room.

"Walang tao?" tukoy niya sa mga larawan.

Umiling ito, "I don't usually take pictures of people."

"Ah..." napakurap siya. Pero bakit siya kinunan nito ng larawan? Nasa kuwarto pa nito at naka-kuwadro. Pigil niya ang ngiti nang ibalik ang tingin sa mga pictures na naka-display.

Narinig niya ang mga papalapit na hakbang nito. Hinarap niyang muli si Donny. He encircled one arm on her waist. Napa-pikit siya nang halikan nito ang kanyang tenga.

"Are you tired, angel? We could take a little nap before going home," he whispered.

Tumango siya bilang pagpayag sa nais nitong mangyari. Inakay siya nito patungo sa kama at pinaupo sa gilid niyon. Lumuhod si Donny sa harapan niya at nagsimulang kalasin ang lock ng suot niyang sandals. It took him a while to figure out how to remove it. He looked so adorable while doing the task looking all serious as if it's that complicated.

Naramdaman niya kaagad ang ginhawa nang mapakawalan nito ang isa niyang paa at lumapat na iyon sa gray carpeted floor. Nang maalis na rin nito ang isa pa ay inalalayan siya ni Donny pahiga sa malambot na kama. Ang comforter ay agad na nilagay sa kalahati ng kanyang katawan.

Nang maalis na rin nito ang sariling sapatos ay sumunod na ito sa paghiga. Inilalim ni Donny ang isang braso sa ulo niya upang hikayatin siyang doon na umunan. Inusog siya nito palapit sa katawan nito kahit pa tingin niya'y wala nang espasyo sa pagitan nila. Ang isa nitong kamay ay kinuha ang palad niya at pinagsalikop ang kanilang mga daliri. He pressed their entwined hands on his chest.

Pinanatili niya ang tingin sa kanilang mga kamay na pumapagitna. Fully aware of Donny's loving stares. Kumakalabog ng husto ang kanyang puso. Why it is still beating this fast like this is the first time she'd fallen for him? Kasal na nga sila ay halos mabaliw pa rin ang puso niya kapag nariyan ito.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now