CHAPTER 19

2.8K 106 26
                                    

CORAZON

Sinubukan niyang isantabi ang halu-halong pakiramdam na umahon sa kanyang dibdib at tinanggap ang pakikipag-kamay ni Kisses. Her hand is so soft like a baby's. Nahiya siya't agad na pasimpleng nagbawi. Taliwas kasi iyon sa matigas at magaspang niyang palad.

"Maraming salamat ulit sa'yo," pasalamat nitong muli sa kanya.

"D-Delavin? A-Are you somehow related to...Senator Romero Delavin?" tanong ni Principal De Vega nang marinig ang buong pangalan ni Kisses.

Kisses turned her eyes to the Principal. Hindi mapakli ang ngiting naka-ukit na sa mga labi. Even her eyes were smiling along with her lips. "Yes, Sir. He's my father."

Napasinghap si Principal De Vega nang dahil sa natuklasan. Maging siya ay nadagdagan ang paghanga para kay Kisses. She's a daughter of a senator. No wonder she looked very well-mannered. At kung tama ang pagkakantanda niya ay ka-partido ito ng ama ni Donny noong huling eleksiyon.

"This is...wow...this is a pleasant surprise!" naging aligaga ang Principal at tila lito sa kung ano'ng gagawin. "Hindi ko inaasahan na dalawang mahahalagang tao ang mapipiling bumisita sa aming paaralan! Sana ay nakapaghanda man lang kami para sa inyo."

Napakamot siya ng batok. Hindi niya malaman kung dapat bang mag-excuse bago umalis o basta na lang maglaho doon. Dahil kung gagawin niya ang una, paniguradong makukuha niya ang atensiyon ng mga ito.

"Kumusta naman ang iyong ama, hija?" kaswal na tanong ng principal sa girlfriend ni Donny.

Nag-desisyon siyang umalis na lamang ng walang kibo. Hindi naman na siguro mapapansin ng Principal dahil mukhang abalang-abala ito sa magiliw na pakikipag-usap sa mga bisita. Mas mabuti pang huwag na niyang abalahin ay tahimik nang magtungo sa kanyang klase.

Ngunit bago pa siya maka-isang hakbang paalis ay nahagip niya ang madilim na mga mata ni Donny. His smoldering and intense eyes were directed at her. They were void of any emotion. Not even a slight recognition. Siguro nga hindi na siya nito naaalala.

Nagyuko siya ng ulo bago tuluyang lumabas doon. Mahigpit ang pagkakakipkip niya sa mga libro at lesson plan sa kanyang dibdib habang tila lutang na naglalakad. The unexpected reunion with Donny shocked the hell out of her. Idagdag pa na ang babaeng nakabanggaan niya kanina ay girlfriend pala nito.

They look so perfect for each other. Kanina nang tumabi si Kisses kay Donny ay walang kahit sino ang makapagsasabing hindi bagay ang dalawa. Other than the fact that they were both raised in respectable and rich families, Kisses is Donny's ideal girl from what she remembered. Long beautiful hair, fair skinned, chinita eyes and beautiful lips. No wonder why he fell in love with her.

Maybe Edward, Marco and Donny's father were right. She's just a mere challenge for Donny before. Somebody who kept him entertained while here. Kaya ganoon na lang ang buhos nito ng atensiyon sa kanya noon. Or maybe not. Siguro hindi nito kinaya ang isang taon gaya ng usapan nila at nakahanap kaagad ng babaeng nakapagparamdam dito ng mga damdaming higit sa naramdaman nito kanya.

But she won't take this against Donny. Really. Matagal na siyang huminto sa paghihintay. Matagal na niyang tinanggap na hindi na siya nito babalikan gaya ng pangako nito. After all, wala naman talagang 'sila' noon.

Hindi ba ang usapan ay saka lang magiging sila oras na bumalik ito sa San Bernardo galing Manila nang ganoon pa rin ang nararamdaman para sa kanya? Clearly, that's not what happened. Bumalik si Donny pero hindi iyon dahil sa kanya. May minamahal ito pero hindi siya. Siguro naman ay naibigay na ang closure na lihim na hinihiling niya.

"Nandiyan na si Ma'am Cayabyab!"

"Oy, umayos na kayo!"

Nagsi-tahimik ang klase niya nang pumasok siya sa loob ng classroom. Nilapag niya ang gamit sa mesa at sinuyod ng tingin ang mga ito. Walang dapat magbago. Kung paano siya nabuhay sa araw-araw sa loob ng sampung taon, ganoon pa rin dapat.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant