PROLOGUE

5.8K 129 9
                                    


DONATO

"Body shot! Body shot! Body shot!" everybody chanted as his friend, Daniel, who's also this party's host, walked towards a table with a hot and sexy chic in his arm.

Nilagok niya ang natitirang beer sa kanyang bote habang nangingising pinagmamasdan ang nagaganap sa kanyang harapan. Sa kabila ng malakas na musikang pumapailanlang sa buong living room ay hindi no'n nagawang lamunin ang hiyawan at kantiyawaan ng mga nagkakasiyahan.

Tumunog ang kanyang cellphone sa ibabaw ng counter ng mini bar na nasa living room nina Daniel. Isang mabilis na tingin lang ang binigay niya doon at nang makita ang pangalan ni Kim na tumatawag ay hindi niya na iyon muli pang pinansin.

"You're girlfriend is calling," said Diego who's beside him. Nahihimigan niya ng panunuya ang tono nito at alam niya kung bakit.

"The hell she is," aniya saka muling tinikman ang alak.

"Who wants to try?!" nilagay ni Daniel ang mga palad nito sa magkabilang gilid ng bibig upang kahit paano'y marinig ng mga naroon.

Some of these people are familiar to him. Kung hindi galing sa parehas nilang unibersidad, ay minsan na nilang nakilala ng mga kabarkada niya sa pagba-bar hopping nila. But most were strangers. Binitbit lang ng ilan o 'di kaya ay inimbita ang sarili para sa party na ito. Well, this party is welcome to everyone.

And...the more the merrier.

"Donny!" Tinapunan niya ng tingin si Diego na biglang itinuro siya.

Everyone looked at him expectantly. Sa huli ay nagbuga siya ng hangin at nagkibit-balikat.

He'd been to a lot of parties and this kind of game isn't new to him. Nga lang ay hindi pa talaga niya ito nasusubukan. Hindi dahil sa hindi niya gusto. Hey, who wouldn't want to do body shot with a random hot chic? Definitely, not him. Wala lang talagang pagkakataon.

And now that there's an opportunity to try it, might as well grab it.

Mas lalong lumakas ang hiyawan nang lumapit siya. Pumalakpak ng malakas si Daniel at sinusubukan siyang i-cheer. He flipped his middle finger at him but Daniel only laughed. Sanay na silang magkaka-barkada sa isa't-isa na ang mga bagay na ganyan ay hindi na nakaka-offend pa.

Nagsimula muling mag-chant ang mga lasing na bisita ng party na ito. Mabuti na lang at wala ang mga magulang ni Daniel ngayon at nasa business trip. Mabuti na lang din at sa ekslusibong village na ito ay hindi dikit-dikit ang mga bahay kaya kahit halos madaling-araw na ay wala silang pakundangan sa ingay dahil sila-sila lang naman ang makakarinig.

"Do the honors my friend," ani Daniel at pabiro pang tumango sa kanya.

Umakyat siya sa pinagtabing mga mesa para lang maging sapat ang lapad para sa babae. The woman's wearing a very skimpy dress that shows a generous amount of skin on her thighs, stomach and chest.

He could tell by the almondy shape of her eyes and fair porcelain skin that she's half Chinese or Korean. Or Japanese? He couldn't tell the difference. Pero bakit ba iniisip niya pa iyon? Basta nakapalda at maganda, walang kaso iyon sa kanya.

Nilagay niya ang magkabilang tuhod niya sa gilid ng bewang nito. He licked a spot on her neck and put a small amount of salt there. Wala pa man ay narinig niya na ang mahina nitong daing. Ang lime ay nilagay niya din sa pagitan ng manipis at kulay rosas nitong mga labi. The way she looked at him just shows how badly she wants this to happen.

He also put salt on her cleavage before finally taking the bottle of tequila from Daniel. Binuksan niya iyon at ibinuhos sa puson ng babae.

"Donny! Donny! Donny!" iyon ang pumalit sa isinisigaw ng lahat.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now