CHAPTER 5

3.4K 122 4
                                    


CORAZON

She tried, as much as possible, to avoid any encounter with Donny but to no avail. Mahirap dahil nasa iisang bayan lang sila at hindi naman ganoon kalaki ang baranggay para hindi sila magkitang dalawa.

Lalo pa at madalas din ito sa plaza kasama nina Marco para mag-basketball o 'di kaya ay tumambay lang.

Tuwing magbebenta siya ng banana cue doon ay hindi puwedeng hindi nito bibilhin ang lahat ng matitira pagkatapos niyang maglako. Tuwing magpa-practice naman sila nina Myriah para sa liga ng volleyball, nasa gilid ito at pinapanood sila. And every after the game, he would always praise her performance.

Now, she doesn't want to be called assuming or what. Pero ganoon talaga ang nangyayari sa loob ng halos isang linggo. Kaya nga mas lalo lamang siyang kinulit ni Myriah tungkol sa ideya nitong type siya ni Donny. Kahit na ang ka-grupo nila sa volleyball ay ganoon din ang tingin.

"Bakit ba sa'kin niyo inaasar? Malay niyo isa pala sa inyo 'yung sinisilayan," nai-irita niyang sabi.

"Isa sa'min? Eh, ikaw nga 'yung palaging nilalapitan at kinakausap pagkatapos ng volleyball practice!" tudyo ni Miles sa kanya at kantiyaw na ang inabot niya sa mga ito pagkatapos.

"Haba ng buhok mo, Raz! Ang pogi kaya ni Donny!" si Angel.

Mas lalo pa siyang tinukso ng mga ito. Nagtakip siya ng tenga at sinubukang harangan sa pandinig ang mga pang-aasar sa kanya.

The idea is just so absurd! Maaaring probinsiya sila pero maraming magagandang babae dito sa kanila. At ang mga iyon ay pawang nahihibang sa panganay na anak ni Mayor Gregory Pangilinan. There's just no way Donato Antonio Pangilinan would like her more than those girls!

Sinintas niya ang kanyang sapatos. Maingay ang boses ng mga bisita sa sala ng kanyang Tiya Divina. Last month nang huling bumisita dito ang organizer para sa debut ni Kristine na gaganapin sa katapusan. Ngayong papalapit na iyon ay mas napapadalas din ang bisita ng mga ito sa bahay.

"Wala pa po ba kayong napipiling escort? Ipi-print na ang invitations kaya dapat final na ang listahan ng mga bisita at iyong may mga espesyal na gagampanan," sabi ng magandang event organizer.

"Kristine, wala ka bang mapili sa mga kaibigan mo'ng lalaki?" tanong ng kanyang Tiya dito.

"Wala ako'ng gustong maging escort sa kanila," humalukipkip si Kristine at pinag-krus ang mga binti. "I have someone in mind pero gusto kong personal ko muna siyang maka-usap para masabi sa kanya ang tungkol doon." Umangat ang gilid ng labi nito.

"Sino?" tanong ng kanyang Tiya Divina.

"Raz!"

Napalundag siya nang marinig bigla ang boses ni Myriah. Galing ito sa likod-bahay at ang pintong papasok sa kusina ang ginamit para makapasok sa bahay.

"Ang tagal mo naman. Ano pa bang ginagawa mo diyan?" kuryoso nitong tanong at nakisilip na din sa sala.

Hinila niya na ito palabas. Mamaya ay makita pa sila ng kanyang Tiya at bawiin pa nito ang pagpayag sa kanyang mag-practice. Bukas pa naman na ang unang laro nila.

"Para ba sa debut ni Kristine? Ang sosyal talaga niyang pinsan mo, ha! Talagang pinagpa-planuhan ang debut," siniko siya nito sa kanyang tagiliran.

"Mayaman, eh," kibit-balikat niya.

Hindi na siya nagulat nang makita sina Donny na nasa plaza. As usual, kasama nito sina Marco at ilang mga babae. Habang tumatagal ay mas lumalaki ang grupong iyon. Nadadagdagan ng mga babaeng naka-lingkis kanila Marco, Edward at sa iba pang lalaking kasama ng mga ito. Maliban kay Donny.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now