CHAPTER 21

3K 107 57
                                    

CORAZON

"Corazon ano ba 'yan? Hayaan mo na sila Maribeth diyan," saway sa kanya ng kanyang Ate Joy.

Pagkatapos niyang magsimba kanina ay bumisita siya sa kanyang tiya. Ngunit dahil nagpapahinga na ito at hindi pa niya naman gustong umuwi ay nagtungo siya rito sa kanyang Ate. Naabutan niyang maraming customer kaya naisipan niyang tumulong sa mga gawain.

Pinunasan niya ang pawis sa noo sa pamamagitan ng manggas ng kanyang t-shirt, "Hindi naman ito masyadong mabigat, Ate Joy! Naglilinis nga lang ako ng mga mesa."

Lumipat siya sa isa pang mesa na kababakante lamang ng customer at iyon naman ang tinggalan niya ng kalat.

"Bakit ba hindi ka na lang umuwi at magpahinga? May pasok ka pa bukas hindi ba? Linggo na nga lang ang pahinga mo nandito ka pa at nagta-trabaho." Binawi nito ang basahan sa kanya ngunit nakuha niya rin iyon pabalik at pinagpatuloy ang ginagawa.

Masyado kasing tahimik sa kanyang bahay. Mas lalong ayaw niyang mabakante sa mga gawain dahil kung saan-saan napapadpad ang kanyang utak kaya kung ano-ano rin ang naiisipan niyang gawin. Kapag ganitong occupied siya ay mas madali niyang naisasantabi ang mga bagay na hindi na dapat pinag-aaksayahan ng oras isipin.

"Nanay!"

Napalingon siya ng kanyang ate nang marinig ang matinis na boses na iyon. She smiled when she saw Rosario, her niece, approaching them. Yumakap ito kaagad sa bewang ng kanyang Ate at naka-ngiting tinatanaw siya. "Hi, Tita Corazon."

"Hello. Wala bang kiss si Tita?" tumalungko siya upang maabot nito ang pisngi. Binigyan siya nito ng isang matunog na halik. "Sarap naman no'n! Nakaka-miss naman ang mga pamangkin ko!" hinalikan niya rin ito sa pisngi na nagpahagikgik dito.

"Dapat kasi sa'yo Corazon, nag-aasawa at nag-aanak na. Para naman hindi ka na rin mag-isang nakatira doon sa bahay mo," tudyo sa kanya ng kanyang kuya Angelo.

"Wala pa sa isip ko iyan, Kuya," nangingiti niyang iling.

Mataman at makahulugan siyang tinignan ng kanyang Ate Joy. Nang sinalubong niya ang tingin nito ay agad din itong nagbawi ng mga mata. Binalingan nito ang anak na nakakapit pa rin dito. "Nasaan si Ate Andreya mo?" tanong ng kanyang Ate Joy sa bunso nito.

"Nandoon sa bahay at may mga bisitang kaibigan," ang kanyang Kuya Angelo na ang sumagot. Inilapag nito ang order sa isang mesa.

"Ang batang iyon talaga. Imbis na tumutulong dito. Puro na lang tambay ang ginagawa!" naiiling na sabi ng kanyang Ate Joy.

"Hayaan mo na at mabuti ngang nasa bahay lang sila. Kaya naman natin dito. 'Tsaka nandiyan naman si Corazon, oh," ngisi ng asawa ng kanyang Ate Joy sa kanya.

Pabiro niya itong sinaluduhan. Lalong bumakas sa mukha ng kanyang Ate Joy ang pagka-asar. "Mga hindi talaga kayo masaway!"

Sa huli ay napilitan itong hayaan na lang siyang tumulong doon. Nakisabay na rin siyang kumain ng hapunan kasama ng ate at ng pamilya nito. Mas masarap talagang kumain kapag may kasama kaysa nag-iisa. Kung hindi lang nakakahiya ay baka nakitira na siya rito kasama ang mga ito.

May pamilya na ang Ate niya at ayaw naman niyang makaabala pa. Kaya naman niyang magkaroon ng sariling tahanan kaya bakit hindi? Pero paminsan-minsan ay hindi naman niya maiwasang mangulila para sa pamilya.

Umuwi na rin naman siya pagkatapos makapagsara ang carinderia. Nangako naman siyang babalik din ulit. Makakatulong din siguro sa kanya ang madalas na pagbisita rito. Ilalaan na lang niya ang oras sa kanyang pamilya at trabaho kaysa iyong pinagtutuonan niya ng pansin ang mga bagay na siya ring nagpapahirap sa kanyang sarili.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now