CHAPTER 25

3K 114 29
                                    

CORAZON

She paced back and forth anxiously outside the operating room where Kisses is. Kasalukuyan itong ino-operahan. Hindi pa niya malaman ang totoong kalagayan nito. Kanina pa ang mga doktor sa loob at ni isa ay walang lumalabas upang sabihin sa kanya ang totoong sitwasyon.

Siya lamang ang nandito para samahan ito dahil ang driver na kasama ni Kisses ang naiwan sa pinangyarihan ng insidente. Malamang sa mga oras na ito'y kausap na nito ang mga pulis upang hingan ng testimonya ang driver ng nakabanggang sasakyan kay Kisses at mga nakakakita sa nangyari.

Napaupo siya sa isa sa mga upuan sa hallway. She was trembling from head to foot. May lumalabas na dugo mula sa gasgas sa kanyang kamay at tuhod ngunit naging manhid siya sa sakit. Labis na kaba ang dumadagan sa kanyang dibdib. If something bad will happen to Kisses, she can never forgive herself and live with the guilt.

Kasalanan niya ito. Siya dapat ang nasa sitwasyon ni Kisses at hindi ito. Siya dapat ang nasagasaan at nasa loob ng operating room. Siya dapat iyon. But it all boils down to her cowardice. Kung sana'y hinarap na lamang niya si Kisses sa kabila ng posibleng galit nito, hindi sana ito mangyayari.

Ngayon kahit na pagsisihan pa niya ito lahat ay nangyari na. Nasa kritikal na kondisyon si Kisses nang dahil sa kanya. Dahil sa kanyang mga maling desisyon. Dahil sa maling damdaming hindi niya mapakawalan. If she could only turn back time. Kung alam niyang mangyayari ito lahat, una pa lang ay pinili na niyang huwag hayaan ang pusong mahulog para kay Donny. For the wrong person...

"Corazon..."

Her heart literally skipped a bit when she heard that familiar baritone voice. Luminga siya sa kanyang gilid at natagpuan si Donny na mabilis na naglalakad patungo sa kanyang direksiyon. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling. Kaswal ito sa suot na denim jacket, military green v-neck shirt sa ilalim at itim na pantalon.

His hair is in a sexy mess. His lips and eyes weren't smiling. His expression was dark with worry. She immediately stood up. Unsure if his presence calmed her system or doubled her fear.

"What happened? Where is Kisses?" he asked in a surprisingly calm tone when he's already towering in front of her.

Walang pagsidlan ang ibang damdamin sa kanya. Ni hindi niya naisip na matagal niya ito bago hindi nakita matapos nang gabing iyon na halikan siya nito. Tila walang ibang importante ngayon para sa kanya kung hindi ang kalagayan ng nobya ni Donny.

Namuo ang luha sa paligid ng kanyang mga mata. Kung may bagay man siyang pinaka-kinatatakutan sunod sa worst case scenario na maaaring mangyari kay Kisses, iyon ay ang galit ni Donny. But she has to accept it. This is all her fault, anyway.

"N-Nasagasaan si Kisses dahil iniligtas niya ako," aniya sa nanginginig na boses. Ang kanyang mga kamay ay hindi mapakali. Kinukurot at pinipisil nito ang isa't-isa. Hindi alintana ang sakit tuwing natatamaan ang sugat. "S-Sorry, Attorney. Ako ang may kasalanan nito. P-Pumunta si Kisses sa school para kausapin ako pero hindi ko siya hinarap. Hinabol niya ako at ito ang nangyari. A-Ako dapat ang napahamak."

"Don't you dare say that," he hissed. Hinawakan nito ang magkabila niyang siko na may buong ingat. Nagbuga ito ng hangin. "This isn't your fault, Corazon. Aksidente ito."

Umiling siya at pilit na inalis mula sa pagkakahawak nito ang kanyang mga braso. Hindi siya makapaniwalang nakakaya itong sabihin ni Donny sa kanya. Ipinahamak niya si Kisses. His beloved girlfriend. Dapat ay ito pa mismo ang kumakaladkad sa kanya patungo sa presinto para ipakulong.

Napaupo siyang muli sa kaninang puwesto bago pa man ito dumating. Nanatili ang mga mata niya sa sahig. Bawat minutong lumilipas ay tila parusa para sa kanya. Mukhang ito na ang kabayaran para sa patuloy niyang pagmamahal sa lalaking alam niyang hindi na puwede.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now