EPILOGUE

5.6K 154 28
                                    

CORAZON

The days became busier for the both of them. Kasabay ng kanya-kanyang trabaho ay ang pagpa-plano naman ng kasa. They only have less than a month to prepare for it. Donny's mom suggested to move the date pero si Donny ang may ayaw. He wanted it to happen as soon as possible. Wala sa kanila ang maka-kumbinsi rito.

"I hate your uniform, angel," komento nito habang naka-upo sa kama nila at pinagmamasdan siyang nag-aayos sa vanity mirror na pinalagay nito para sa kanya.

Pumihit siya kahit alam na hindi naman makikita ang likuran ng varsity shirt na suot ngunit hindi na iyon kailangan. She knew what he's pertaining to. Nakumpirma nang tumayo ito at magsalitang muli.

"Why is it still Cayabyab?" ani Donny na para bang napakalaking problema talaga ng uniporme niya para dito. "It must be Pangilinan now."

Nangisi siya, "Luma ito'ng uniporme ko kaya gano'n!"

"Then get a new one and make sure that they put the right surname."

Wala pa nga sa mga ka-trabaho niya ang nakakaalam na may asawa na siya ngayon. Araw-araw naman siyang hinahatid at sinusundo ni Donny sa school ngunit wala sa mga ito ang nangahas pang magtanong. Kahit sina Ma'am Cruz ay hindi na muli siyang nilapitan para pangaralan tungkol kay Donny.

She knew the truth will come out eventually. Hindi na niya gusto pang pangunahan iyon. Iimbitahin naman niya ito sa kanilang kasal. Wala siyang balak itago sa mga ito ang relasyon nilang dalawa ni Donny. Ngunit hindi niya rin naman obligasyong magpaliwanag.

They could think whatever they wanted to think. Ngayon ang mahalaga sa kanya ay ang katotohanang alam nilang dalawa ni Donny.

"Corazon, do it," giit nito.

"Yes, Attorney," she playfully said before wrapping her arms around his taut waist. Sa wakas ay napangiti niya rin ito.

Nagsukat na siya ng wedding gown. Ang ina ni Donny, si Pam, na gaya ng sinabi sa kanya ay sumunod pauwi para matulungan siya sa paghahanda, at ang kanyang Ate Joy ang kasama niya nang magpunta sa isang mahusay na designer. Wala nang oras para magtahi pa kaya iyong mga nagawa nang gowns ang kanyang pinagpilian at gagawan na lang ng ilang alterations para masunod ang kanyang gusto.

But, honestly, she doesn't have any specific gown in mind. Maganda ang lahat ng naroon. Mabuti at may mga kasama siyang mas maalam kaya nabigyan siya kahit paano ng opinyon.

"Ang ganda mo Ate Corazon!" Pam exclaimed when she saw her wearing the beautiful white gown made of lace and chiffon. Its long skirt was light and flowing. The lacy detail on its sweetheart neckline gave a more romantic and feminine feel to the gown.

Tamang-tama lamang ang lapat ng damit sa kanyang katawan. Sa kabila ng detalye ay magaan lang ito sa mga mata at pakiramdam.

"Bagay na bagay sa kanya hindi ba, Joy?" tanong ng mommy ni Donny sa kanyang ate na tumango at malapad na ngumiti rito.

Tinignan niya ang sarili sa salamin suot ang wedding gown. Kahit kasal na kay Donny ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng excitement. This one's different. It's a church wedding. A more formal and solemn ceremony that would bind them forever. This time, it will be God who will unite her with Donny.

"I missed you today, angel," Donny said while cupping her face with his both hands. Bahagya pang naka-nguso ang mga labi. "Kumain ka na?"

Tumango siya. "Pagkatapos naming magsukat ng damit kanina dumiretso na kami sa restaurant para kumain. Ikaw?"

Donny sighed before putting his hands down to her waist. Hinalikan nito ang kanyang noo at pinanatili ang malambot na labi roon. "Hindi pa. Hinintay kasi kita. I want us to eat together."

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now