CHAPTER 32

3.3K 108 12
                                    

CORAZON

Sa halos isang linggong brigada eskwela ay hindi nagmintis si Donny sa pagsama sa kanya. Inihahatid siya nito sa school at magbo-boluntaryong tumulong sa mga gawain. Pagkatapos ay ito rin ang maghahatid sa kanya pauwi at sa bahay pa niya ito palaging kumakain.

Tila normal na para sa kanya ang makasama ito palagi. Nakakasanayan na niyang makausap at makita ito araw-araw. Sa halip na itaboy at umiwas gaya ng orihinal na plano, sa huli'y natatagpuan niya ang sariling hinahayaang malunod sa saya at contentment na nararamdaman tuwing nariyan si Donny.

"Miss Cayabyab..."

Nagtaas siya ng tingin kay Miss Cruz mula sa mga nililigpit na papel. Sa likod nito'y ang dalawa pa nilang co-teachers. Halos kasabayan niya lamang ang mga ito na magsimula sa eskwelahang ito.

Hinawi niya ang buhok sa likuran ng tenga at ngumiti. "Miss Cruz. May kailangan kayo?"

Tinugunan din nito ang kanyang ngiti. "Ah...wala naman. Pero may...gusto lang sana akong itanong. Kung hindi mo naman mamasamain."

Bagaman nakadama ng kaunting kaba sa sinabi nito'y hindi niya iyon pinahalata. Pinanatili niya ang ngiti sa kanyang mga labi. "S-Sige. Kung kaya ko namang sagutin."

"Sa totoo lang...nagtataka lang kasi kami. Napapansin namin na madalas yatang sabay kayo ni Attorney Pangilinan na dumating dito. May nakapag-sabi sa'min na nakita ka pang madalas ay nanggagaling sa loob ng kotse niya o 'di kaya ay sumasakay doon kapag pauwi na..."

Nanginig ang kanyang mga labi dahilan upang malusaw ang kanyang ngiti. Dumoble ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi sa hindi niya ito inaasahan. Alam niyang may makakapansin noon ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na may naglakas-loob lumapit upang i-point out iyon.

"Kayo ba?" tanong ni Miss Fajartin.

"Pero hindi ba parang kailan lang ay bitbit niya pa ang girlfriend niya rito? Iyong anak ng senador, Corazon?" 'di napigilang pagsingit ni Miss Lagrisola. Bakas sa ekspresyon ng mga ito ang uhaw sa impormasyon.

Yumuko siya sa mga kamay na wala sa sariling ginagalaw ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa.

"H-Hindi kami ni Attorney Pangilinan," she answered in a low tone. Hindi mawari kung para saan ang kaunting kirot na nadama matapos maisatinig iyon. "N-Nagkakasabay lang kami kasi...kasi...malapit lang sa bahay ko ang bahay na tinitirhan niya. Nagmamagandang-loob lang siya na isabay ako rito at pauwi."

At least that's half the truth. Hindi masasabing nagsisinungaling siya sa mga ito.

Nagkatinginan ang tatlo bago nagtanguan. Tingin niya'y nakumbinsi naman niya ang mga ito.

"Kung sabagay...bakit naman niya papakawalan pa iyong anak ni Senator Delavin? Maganda iyon at balita ko'y nagtapos din ng abogasya. Ano pang hahanapin ni Attorney Pangilinan hindi ba?" ani Miss Cruz na binuntutan pa ng halakhak.

Tipid siyang ngumiti.

"Pero huwag mo sanang isipin na nakiki-tsismis lang kami, ha?" anang muli ni Miss Cruz. "Ikaw lang naman ang inaalala namin, Corazon. Maganda ka. Edukada. Hindi rin naman imposible na magustuhan ka ng isang tulad ni Attorney Pangilinan. Baka mana rin sa tatay niya iyon. Babaero."

"Sa gandang-lalaki at impluwensiya ni Attorney Pangilinan? Hindi mahirap para sa kanya ang makuha ang lahat ng gusto niya, kahit pa babae, para lang sa ikakaaliw niya. Kaya mag-iingat ka, Miss Cayabyab," paalala ni Miss Fajartin.

She felt a strong urge to speak-up for Donny. Hindi niya nagugustuhan ang mga sinabi ng co-teachers niya tungkol dito. Pero bakit? Hindi ba ay naging biktima siya ng laro at mga pambibilog ni Donny noon? Sa katunayan ay hanggang ngayon.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora