CHAPTER 15

3.5K 99 15
                                    

CORAZON

"Magkita tayo sa tabing-ilog ngayon," text ni Donny sa kanya.

Sinipa ng kakaibang klaseng kaba ang kanyang dibdib. Napangiti siya habang nagtitipa ng sagot, "Bakit? Nandito ako kanila Myriah."

"Then meet me after whatever you're doing there, Corazon. I have something to give you, my little girl :)," reply nito hindi pa man siya nakakabilang ng isang minuto matapos ng kanyang tugon.

Ano naman kaya iyon? Ngumuso siya at sa huli ay pumayag na lamang.

Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Donny tungkol sa tunay na dahilan ng pagiging malayo nito sa ama ay naging mas malapit pa silang dalawa. Sa halip na matakot siya matapos matuklasan ang tunay nitong reputasyon sa Maynila ay para bang mas nais niya pa ito'ng makasama.

It was probably because she understands where he is coming from. Nakita niya din kung paano nagrebelde ang kanyang ate nang dahil sa galit nito sa kanilang mga magulang. O...dahil...mahal niya si Donny kaya naman ganito na lamang kalaki at katibay ang tiwala niyang hinding-hindi nito gagawin sa kanya ang nagawa sa mga naging babae sa buhay nito.

"Corazon!"

Napalundag siya sa biglaang sigaw ni Myriah sa kanya dahilan upang kamuntikan pa niyang mabitawan ang cellphone. Nilingon niya ito. Dalawang bestida ang hawak sa magkabilang kamay habang tinatapunan siya ng nagtatakang tingin.

"Kanina pa kita kinakausap diyan! Bakit ba titig na titig ka diyan sa cellphone mo? Sino'ng ka-text mo, ha?" ang naiirita nitong tinig ay napalitan ng panunukso. "Si Donny 'yan 'no! Kala mo 'di ko napapansin 'yang mga panakaw na sulyapan niyo sa isa't-isa kapag nagkakatagpo kayo sa plaza!"

Nag-init ang kanyang pisngi. "H-Huy, Myriah, huwag ka ngang tamang-hinala diyan."

"Tamang hinala daw...buti ba kung hinala lang!" she continued teasing her. "Kaso bakit siya ang escort ni Kristine sa debut? Alam mo bang kina-iinggitan siya ngayon dito? Invited pa sila Mayor at ang buong pamilya sa debut niya. Ang iniisip tuloy ng lahat nililigawan siya ni Donny!"

Hindi siya naka-imik sa sinabi ni Myriah sa kanya. Narinig niya na rin ang usap-usapan na iyon at nalaman ang tungkol sa pagpapaunlak ng imbitasyon nina Mayor sa debut ng kanyang pinsan. Sa totoo lang ay hindi niya alam ang mararamdaman. Well...technically she and Donny are not together so...

"Ang 'di nila alam umpisa pa lang iisa na talaga ang gusto ni Donny."

Mula sa pagsulyap niya sa iba pang nagkalat na damit sa ibabaw ng kama ni Myriah ay nilingon niya ito. Myriah wiggled her eyebrows at her. Umiling siya't sinikap pigilan ang ngiting nais lumitaw sa mga labi niya.

"Ewan ko sa'yo, Myriah. Tigilan mo ako," patuya siyang nag-ikot ng mga mata. "Teka, ano ba 'yung tinatanong mo sa'kin kanina bago mo muntik masira ang cellphone ko dahil sa gulat?"

"Tinatanong kita 'te kung ano'ng mas maganda dito sa dalawa!" tuluyan nang nawala sa kanila ni Donny ang atensiyon ng kanyang kaibigan. Sa loob-loob niya'y napabuntong-hininga na lamang siya.

Hindi naman sa gusto niya itong ilihim sa kanyang kaibigan. Ngunit hindi lang niya alam kung paano ipapaliwanag kay Myriah ang set-up nila ni Donny. Ang sabi nito sa kanya pagbalik nito galing Maynila isang taon makalipas mula ngayon ay saka pa lamang ito manliligaw. But that day...she let him kiss her like they've been doing that their whole lives!

At hindi iyon ang huling beses. Donny always kisses her whenever he gets the chance. Mahihirapan lang siyang mag-explain kay Myriah. Siya nga'y hirap iyong i-explain sa sarili niya.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now