CHAPTER 27

3.1K 107 13
                                    

CORAZON

Tuwing babalik sa isip niya ang naging pangyayari kanina ay hindi niya mapigilang mapangiwi. Dinampot niya ang unan at muling nilubog ang pagmumukha roon. Pagkatapos niyang mag-walk out kanina ay sa hotel room nilang magka-kaibigan siya dumiretso.

Hindi niya inaasahan na makikita niya si Donny dito! Ni hindi nga niya inaasahang magkikita pa sila kahit kailan! Ang buong akala niya ay tutupad ito sa sinabi nitong kailanman ay hindi na ito magpapakita pa sa kanya. But when did he really become true to his promises?

Pero baka naman nagkataon lang ang lahat. Baka naman may iba itong sadya rito at hindi alam na nandito siya? Maybe he's on vacation or meeting an important client? Pero sa dinami-dami ng resort sa Pilipinas na higit na mas maganda at mas malaki sa resort na ito, dito pa talaga sa resort kung nasaan siya? May galit ba ang tadhana sa kanya at pilit na pinagtatagpo nito ang mga landas nila?

Well, she hopes that Donny's here for just a day! Sana bukas at sa mga susunod na araw na maglalagi siya rito ay wala na ito o 'di kaya'y hindi na mag-krus ang mga buhay nila! Because it's better that way!

Marahas na bumukas ang pintuan. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at natagpuan niya sina Cassi na humahangos papasok ng kuwarto. They've all changed and cleaned-up. Bitbit ng nakasunod na si Sammie ang gym bag niya na naiwan.

"I told you she's here," naiiling na sabi ni Cassi. Mukhang hinanap siya ng mga kaibigan kung saan-saan base sa sinabi. "Bakit ba bigla ka na lang nag-walk out, ha, Corazon? Tinatawag kita!"

"Gamit mo, oh," si Sammie.

Nag-aalala ang tinging ipinukol nito at ni Josefina sa kanya.

"P-Pasensiya na...b-bigla lang sumama ang pakiramdam ko." Nag-init ang kanyang pisngi. Hindi niya maintindihan kung bakit tuwing iisipin niya ang nangyari kanina ay tila sinisisalaban ang buong katawan niya.

She thought of Donny and how much his body has changed. It was different when he's all covered-up with his expensive clothes. Madali itong tignan. But when he's half-exposed like that, it's a different story. She was only reminded of how manly and perfect his physique is.

"Pinag-alala mo kami!" patuloy na sermon ni Cassi bago marahas na nagbuga ng hangin. "But, well, you're forgiven. Si Kuya Vitto lang naman ang hindi makalma kanina. He tried to follow you but you're too fast. Hindi na rin yata naisip na baka bumalik ka na rito dahil sa pag-aalala."

"Mabuti pa sabihin mong kasama na natin si Corazon, Cassandra," ani Josefina sa huli.

Ngunit hawak na ni Cassi ang cellphone nito at mukhang kanina pa nito naisip iyon. She sighed at the trouble she made, "Pasensiya na talaga. Kakausapin ko na lang si Vitto mamaya."

"You better do that." Kahit paano'y magaan na ang tono ni Cassi. "Pero teka...what is Attorney Donny Pangilinan doing here? Is he on vacation too? Sa tingin niyo?" she asked them.

Kumalabog ang puso niya sa pagkakabanggit ng pangalan ni Donny. Cassi looked so excited. Para bang isang napakagandang balita na malamang naroon nga si Donny sa kaparehong resort.

"Maybe!" maligayang tono ni Sammie.

"He's still drop-dead gorgeous! Mas lalo pa yatang nadagdagan iyon ngayon," segunda ni Cassi.

"Who would've thought that he'll become a lawyer? May pinsan ako'ng batchmate nila noong maka-kaibigan. Laman ng mga bar ang mga iyan. Walang sineseryoso sa buhay. They were also known for being playboys. Pero kahit ganoon maraming mga babae ang nahuhumaling sa kanila. Lalong-lalo na kay Donny. He's the most popular among his friends. Why not? After all, he's the most good-looking," dagdag ni Josefina.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now