Pakiramdam ko ay may mga paro parong naglalaro sa tiyan ko habang hinihintay ang paglabas ni Chase, at ilang sandali nga lang ay muling nagbalik ang Nanay ni Chase ngunit laking taka ko dahil ang nakasunod lang dito ay ang nakakabatang kapatid ni Chase na si Kenji.

"I'm sorry Dexter pero wala si Chase sa kuwarto nila, baka maagang nagising at may pinuntahan lang." paliwanag naman nito, hindi ko naman maipaliwanag ang kabang pumasok sa dibdib ko na agad ko naman winaksi, baka nga may pinuntahan lang ito at walang dahilan para mag-alala ako ng ganito.

"Sige po mauna na muna ako." pagpapaalam ko sana ngunit pinigilan ako nito at sinabing sabayan na silang mag-almusal at malamang sa malamang ay pabalik na din si Chase.

Sandaling naiwan ako kasama ng kapatid ni Chase na si Kenji, hindi ko alam kung maiilang ba ako sa paraan ng pagkakatingin sa akin ng naturang bata.

Hindi maikakatwang kapatid nga ito ni Chase dahil kamukhang kamukha ni Kenji ang kuya nito, hindi din lingin sa akin ang kalagayan nito at gusto kong suportahan ang pagpapaopera dito, ayoko nga lang isipin ni Chase na masyado kong pinapakialaman ang buhay nilang mag-anak.

"Hi." alanganin kong bati dito, dahil hindi pa din naalis ang tingin nito sa akin, nagtaka na lang ako ng bigla itong pumasok sa kuwarto at ilang sandali lang ay may hawak na ito na kung anong papel.

"Ikaw ito." ang sinabi nito sa akin at napangiti naman ako ng makita kong picture ko pala ang hawak nito, marahil ay pinaprint ito ni Chase mula sa cellphone niya.

"Yes ako nga iyan." nakangiti ko naman sagot dito, nabigla naman ako ng tuluyan na itong tumabi sa akin na tila ba hindi ito naiilang na may ibang tao sa bahay nila.

Habang naghihintay ay naramdaman ko na lang ang ulo ni Kenji na sumandig sa balikat ko at nang lingunin ko ito ay napansin kong nakatulog na naman pala ito, doon kami inabutan ng Nanay nito.

"Pasensya ka na ha." hinging paumanhin nito.

"Ok lang po." sagot ko naman dito, hinayaan na lang nitong nakasandig ang anak sa pagpupumilit ko at agad na itong naghanda ng almusal, habang naghihintay ay pabalik balik ang tingin ko sa pintuan at umaasang uuwi na si Chase.

Nahihiya man ay sumalo na ako sa almusal ng mag-ina, ngunit natapos ng lahat ay wala pa din si Chase.

"Pasensya ka na Dexter ha, hindi naman gawain ni Chase na basta na lang umalis ng walang paalam, subukan mo kayang tawagan sa cellphone niya." suhestiyon nito.

Sinubukan kong tawagan ang numero ni Chase kahit nga ba kakatry ko lang kani-kanina at gaya ng inaasahan ay hindi pa din ito macontact.

"Alam ko na!" nagulat naman ako nang napapapitik pa sa hangin na sigaw nito.

"Alam niyo na po kung saan nagpunta si Chase?" excited kong tanong dito.

"Hindi pa, pero baka kasama niya iyong kaibigan niyang nagpunta dito noong isang araw." sagot naman nito.

Pinigilan kong batukan ang sarili ko dahil hindi man lang pumasok sa isip ko na baka nga kasama ni Bruce si Chase, kaya naman agad kong dinial ang number ni Bruce.

Ilang ring pa siguro bago sinagot ni Bruce ang phone nito, at base sa boses nito ay mukhang nagising ito.

"What do you want?! You jerk!" dinig ko ang galit sa boses nito kahit pa nga ba inaantok pa ito, hindi ko naman ito masisisi na magalit sa akin, kahit na nga ba ginawa ko iyon para sana iligtas si Chase ay hindi mawawala ang katotohanan na sinaktan ko ang lalaking mahal nito, matapos kong mangako na hinding hindi ko sasaktan si Chase.

"I know you hated me for being an asshole, but believe me, ginawa ko lang iyon para sa kapakanan ni Chase." paliwanag ko naman dito, sandali itong nawalan ng imik at kung hindi pa sa paghinga nito ay iisipin kong wala na akong kausap sa kabilang linya.

Isang malalim na paghinga muna ang ginawa nito, bago muli itong magsalita. "I know........ Alam kong mahal na mahal mo ang best friend ko, dahil kung hindi ay baka binasag ko na ang mukha mo, pero nasaktan mo pa din si Chase." mahinahon na nitong sinabi, dinig na dinig ko ang lungkot sa boses nito, alam kong hanggang ngayon ay mahal pa din nito ang matalik na kaibigan.

"And I.... will make it up to him." pangako ko naman dito.

"You better be... Pero bakit ka ba napatawag sa akin, bakit hindi mo sabihin ang totoo kay Chase." nagtataka naman nitong tanong.

Sa narinig ay muling sumalakay ang hindi ko maipaliwanag na kaba sa dibdib ko.

"Ka...kasama.... mo... ba si Chase?" alangin kong tanong dito, at parang bomba naman sa pandinig ko ang naging sagot nito.

"Anong... ibig mong sabihin? Hinatid ko lang siya sa bahay nila at agad na akong umuwi." nag-aalala nitong sagot sa akin, marahil ay nadedetect itong may problema.

Sandali kong pinaliwanag dito na wala sa bahay ngayon si Chase at ni hindi man lang ito nagpaalam sa Nanay niya, hindi ko na masyado naintindihan ang mga sinabi nito at agad ko nang tinapos ang tawag na iyon.

"May problema ba?" nagulat na lang ako ng marinig ko ang boses na iyon ng Nanay ni Chase, sandaling nawala sa isip ko na nasa bahay pa pala ako nila Chase at matiim na nakatingin sa akin ang mag-ina.

I was about to answer, nang bigla naman nag ring ang cellphone ko, at halos lumabas ang puso ko ng makita ko ang nakaregister na pangalan.

"Hello Chase, nasaan ka na ba?" agad kong bungad dito.

Isang nakakalokong tawa ang naging tugon mula sa kabilang linya at kahit hindi pa ito magpakilala ay kilalang kilala ko ang boses na iyon.

"Anong ginawa mo kay Chase." kung papakinggan ay iisipin ng iba na kalmado lang ako dahil sa hinahon sa boses ko, pero sa mga nakakakilala sa akin ay alam nilang mas mapanganib ako kapag ganito na ang kinikilos ko.

"Relax my son, your gay love is in good hands." sagot naman ni Dino sa kabilang linya.

"Cut the bullshit Dino. And tell me what you want." malamig kong sagot dito.

Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito, at matapos ang halos sampung minuto ay muli kong hinarap ang Nanay ni Chase.

"Nasa panganib ba ang anak ko?" nag-aalalang tanong nito sa akin, habang mahigpit na nakahawak sa manggas ng tshirt ko.

"Huwag po kayong mag-alala, ako pong bahala kay Chase." sigurado ko naman na sagot dito, at matapos magpaalam ay agad na akong bumalik sa kotse ko.

Kalmado lang ang itsura ko pero sa loob loob ay nagpupuyos ako sa galit, subukan lang nilang kantiin si Chase ay magbabayad sila, wala akong pakialam kung ako na mismo ang kumuha ng mga buhay nila.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now